LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 4 (PIA) – Hindi
maipinta ang tuwang naramdaman ng mga mag-aaral pati na ng mga magulang nito matapos
na makatanggap ang mga mag-aaral ng libreng gamit pang-eskwela handog ng mga
kapulisan ng Sorsogon Police Provincial Office (SPPO) sa pamumuno ni Sorsogon Police
Provincial Director PSupt Ramon S. Ranara.
Isangdaang mga mag-aaral mula grade one
hanggang grade three ng Our Lady’s Village (OLV) Bibincahan Elementary School ang
nabiyayaan ng libreng school supplies na kinabibilangan ng mga kwaderno, lapis,
papel at iba pang mga kagamitang pang-eskwela sa pagbubukas ng school year
2013-2014 kahapon.
Ayon kay SPPO Public Information Officer
PCI Nonito F. Marquez nakatakda rin silang mamigay pa ng kaparehong mga
kagamitan sa pag-aaral sa 48 mga mag-aaral sa grade four hanggang grade six sa nasabi
ding paaralan.
Aniya, ang hakbang na ito ay bahagi ng programang
“Oplan Balik-Eskwela” ng kanilang Police Community Relations (PCR) Division. (BARecebido,
PIA Sorsogon)
------------------------------------------------------------
No comments:
Post a Comment