Tuesday, June 4, 2013

100 mag-aaral nakatanggap ng gamit pang-eskwela mula sa SPPO



Si PSSupt Ranara habang nagpapaliwanag sa mga mag-aaral.
Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 4 (PIA) – Hindi maipinta ang tuwang naramdaman ng mga mag-aaral pati na ng mga magulang nito matapos na makatanggap ang mga mag-aaral ng libreng gamit pang-eskwela handog ng mga kapulisan ng Sorsogon Police Provincial Office (SPPO) sa pamumuno ni Sorsogon Police Provincial Director PSupt Ramon S. Ranara.

Isangdaang mga mag-aaral mula grade one hanggang grade three ng Our Lady’s Village (OLV) Bibincahan Elementary School ang nabiyayaan ng libreng school supplies na kinabibilangan ng mga kwaderno, lapis, papel at iba pang mga kagamitang pang-eskwela sa pagbubukas ng school year 2013-2014 kahapon.

Ayon kay SPPO Public Information Officer PCI Nonito F. Marquez nakatakda rin silang mamigay pa ng kaparehong mga kagamitan sa pag-aaral sa 48 mga mag-aaral sa grade four hanggang grade six sa nasabi ding paaralan.

Aniya, ang hakbang na ito ay bahagi ng programang “Oplan Balik-Eskwela” ng kanilang Police Community Relations (PCR) Division. (BARecebido, PIA Sorsogon)

------------------------------------------------------------


Opening of Classes 2013-2014. The Sorsogon Police Provincial Office spearheaded by Provincial Director PSSUPT Ramon Sopeña Ranara, DSC conducted school visitation and distribution of school supplies at Our Lady’s Village Elementary School, Bibincahan, Sorsogon City on June 3, 2013, in time with the opening SY 2013-2014.100 pupils from Grades 1 to 3 receives free school supplies. PD Ranara encouraged the pupils to study hard and be a law abiding citizen at all times. School Proncipal Mrs Ana B. Llaneta, expressed thanks to the PNP personnel of SORPPO for choosing their school to be recipient of such noble effort. (BARecebido, PIA Sorsogon/NFMarquez, SPPO)


No comments: