Mga tauhan ng City BFP habang ngasasagawa ng inspeksyon. |
Ni FB Tumalad
LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 6 (PIA) – Upang
matiyak ang kaligtasan ng publiko lalo ang titira sa mga paupahang bahay sa
lungsod ng Sorsogon, nagsagawa ng mahigit isang linggong inspeksyon ang mga
tauhan ng Sorsogon City Bureau of Fire Protection sa mga paupahang silid o
boarding houses na malapit sa malalaking paaralan sa lungsod.
Ayon kay City Fire Marshal CInsp Walter B.
Marcial, sinimulan nila noon pang Mayo 20, 2013 ang pag-iinspeksyon. Aniya, bago
nila isinagawa ang pagsusuri sa posibleng mga depekto ng kuneksyon ng kuryente
sa loob ng mga kabahayan ay pormal silang nakipag-ugnayan sa mga opisyal ng
barangay.
Aniya, sa loob aniya ng pitong araw nilang
pag-iinspeksyon sa mga establisimyento ay mayroong ilang mga paupahan ang nakita
nilang nakasunod sa itinatakda ng Fire Code of the Philippines subalit marami pa rin ang walang sapat na fire alarm,
smoke detector at emergency light.
Ang smoke detector ay isang gadget na
ikinakabit sa kisame sa alinmang bahagi ng paupahang bahay upang nagbibigay
alarma sa oras na may usok o sunog at ang fire extinguisher naman ang siyang
ginagamit bilang pang-apula ng sunog .
Base sa resulta ng inspeksyon ng Sorsogon
City BFP, bukod sa nabanggit na kakulangan ay maramin ding nakitang depekto sa
mga paupahang tirahan tulad ng walang maayos na fire exit o tamang lagusan na
maaring takbuhan sakaling magkaroon ng sunog o emerhensya sa lugar.
Nagbigay na rin ng rekomendasyon ang BFP sa
mga may –ari ng paupahang bahay na may paglabag sa Safety Standards at hiniling
ang kooperasyon ng mga ito para sa kaligtasan ng lahat at maiwasan ang mga
insidenteng may kaugnayan sa sunog.
Ang naturang aktibidad ay nakatuon sa pagsusulong
kaligtasan ng mga ukopante partikular na ang mga estudyante na mananatili sa mga
boarding house o dormitoryo ngayong pasukan.(FB Tumalad, PIA Sorsogon)
--------------------------------------------------------------------
--------------------------------------------------------------------
SFO1 Dante D Ditan, C FSES led the team during the massive inspection of all boarding houses and dormitories within Sorsogon City.
No comments:
Post a Comment