Ni: FB Tumalad
LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 14 (PIA) – Matapos ang pinaigting na kampanya ng Helmet
Law ng Land Transportation Office-Bicol, nagbunga rin ang pagpapakahirap ng mga
opisyal na matapos na mabigyan ito ng pagkilala at mapiling kampiyon sa
mahigpit na pagpapatupad ng batas
sa paggamit ng helmet laban sa mga drayber na hindi nagsusuot ng protective
gear sa ulo sa pagmamaneho.
Sinabi ni LTO Sorsogon Chief Felicidad
Mendoza, basehan aniya ng LTO Manila sa pagpisil ng kampiyon ay ang performance,
istatistika o laki ng bilang ng mga nahuling walang suot na proteksyon sa ulo at
iba pang bayolasyon.
Matapos maaprubahan ang Motorcycle Helmet
Act of 2009 at tuluyang
isakatuparan ng ahensya ang panghuhuli
sa mga motoristang nagbibiyahe ng walang sapat na proteksyon sa kanilang mga
ulo ay bumilang na ng maraming nahuhuling pasaway na nagmomotor at hindi sumusunod
sa itinatakda ng Helmet Law.
Sa pamamagitan aniya ng pagbibigay insentibo tulad ng parangal bilang pagkilala sa
ipinakitang sipag, tiyaga at kagalingan
sa pagganap sa tungkulin ng mga deputized agent sa kanilang hanay ay nagbunga ito ng karangalan, karangalang hindi
kailanman maaring pantayan ng anumang halaga upang higit pang pagbutihin ng mga
ito ang kanilang sinumapaang trabaho.
Sinabi pa ni Mendoza na sa kabila ng
mababang bilang ng mga personahe o tauhan ng kanilang tanggapan sa kasalukuyan,
kung saan umaabot lamang sa 15 katao ang umiikot sa loob ng 24 na oras sa loob
ng 7 araw sa ibat-ibang panig ng probinsya sa Bicol ay buong husay pa ring
kinakitaan ng magandang pagganap sa kanilang mga tungkulin ang mga tauhan ng
LTO.
Ayon pa sa hepe, nakipag-unayan na rin sa
kanya si Sorsogon City Police Chief PSSupt. Edgardo Ardales Jr. para humingi
ng karagdagang ahente upang
makatulong sa pagmamantini ng maayos at ligtas na trapiko sa mga kalsada.
Aminado si Mendoza na malaki ang kakulangan
nila sa tauhan at ipinarating na nya sa
kanilang direktor ang kahilingang dagdag personahe para maagang ma-isailalim
ang mga ito sa seminar bilang mga bagong
deputized agent at maikalat sa lungsod at probinsya ng
Sorsogon.
Tiniyak naman ng kanilang direktor na
aaksyunan nila ang nasabing kahilingan. (FB Tumalad, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment