Friday, December 2, 2011

PDRRMC bubuo ng mga tagapagsanay sa paggawa ng contingency plan


Ni: Bennie A. Recebido

Lungsod ng Sorsogon, Disyembre 2, 2011 – Bilang bahagi ng pagpapaigting pa ng kampanya ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council para sa kahandaan at pagbabawas ng epekto ng kalamidad, isang pagsasanay na tinaguriang “Training of Trainors for Contingeny Planning” ang nakatakdang gawin sa ika-5 hanggang ika-7 ng Disyembre ngayong taon sa Hotel Villa Angelina, Legazpi City.

Pangungunahan ang aktibidad ng World Food Programme (WFP), ang food aid arm ng United Nations System, sa pakikipagtulungan nito sa pamahalaang panlalawigan ng Sorsogon sa pamamagitan ng PDRRMC.

Ang WFP sa kasalukuyan ay nagpapatupad ng proyektong tinaguriang “Technical Support to the Government of the Philippines for Disaster Preparedness and Response Activities” kung saan pilot area nito ang lalawigan ng Sorsogon.

Nakipagkawing naman ang WFP sa Philippine Business for Social Services (PBSP) upang magbigay ng tulong teknikal sa pamamagitan ng capability building support activities.

Sa ipinadalang mensahe ng tanggapan ng PDRRMC sa pangunguna ni Sorsogon Governor Raul R. Lee, ang pagsasanay ay bahagi ng tulong teknikal na ito ng WFP kung saan target nito ang Disaster Risk Reduction Council (DRRMC) ng mga bayan ng Juban, Casiguran at Bulan. Ang tatlong bayang nabanggit ang mga pilot area naman sa lalawigan ng Sorsogon.

Ang mga kalahok ay sasanayin upang mahasa at makabuo ng grupo ng mga tagapagsanay ukol sa paggawa ng contingency plan.

Sa pamamagitan ng gagawing pagsasanay inaasahang matutulungan ng mga kalahok ang Municipal DRRMC at Provincial DRRMC sa proseso ng paggawa ng contingency plan sa lebel ng mga barangay at munisipyo partikular sa tatlong bayang na nabanggit. (PIA Sorsogon)


DOLE at Sorsogon City-LGU, namahagi ng Kabuhayan Starter Kit


Ni: FB Tumalad

Lungsod ng Sorsogon, Disyembre 2 – Muling namahagi ng Kabuhayan Starter Kit ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Sorsogon City nitong Lunes, Nobyembre 28, 2011 sa Sorsogon City Hall.

Sa pangunguna ni Sorsogon City Mayor Leovic R. Dioneda, City Public Employment Services Office (PESO) Officer Henry Guemo, ilang mga kawani ng City PESO at kinatawan ng DOLE Sorsogon  na sina Marilyn Luzuriaga  at Jing Macpal, naipamahagi ang mga kagamitang nagkakahalaga ng  mahigit sa P304,000 na kinabibilangan ng mga Carpentry tools, Massage Equipment, Barber Kit, Welding Machine, Cooking Equipment at ipang mga makina.

Sinabi ni Macpal na umabot sa 30 katao ang napabilang at dumaan sa masusing ebalwasyon at balidasyon ng kanilang tanggapan at ng City PESO bago ito nakasama sa programa at nabigyan ng Pangkabuhayan Pre-Starter Kit.

Sa kasunduan, ang City PESO ang susubaybay sa aktibidad ng mga nabigyan ng libreng kagamitan upang malaman kung ginagamit nga ito sa pagpapaangat ng buhay ng mga benepisyaryo. Sinabi pa Macpal na mahigpit nilang ipinagbabawal ang pagbebenta at pagsangla ng grant na starter kit.  Maaari din umanong ipa-arkila ang mga ito kung sakaling wala silang trabaho subalit hanggat maari ay maiingatan itong hindi mawala sa kanila.

Sakali namang aalis na sa kanilang lugar ang benipisyaryo ay kinakailangang mai-turn over ito sa DOLE upang mahanapan ng panibagong magiging benepisyaryo ng naturang gamit.

Mayroon ding kasunduan o Memorandum of Agreement ang LGU at benipisyaryo na kinakailanagang mag-impok ng pera ang mga ito upang mapaghandaan ang pagbili ng bagong kagamitan sakaling masira na ang pangunang tulong na binigay sa kanila.

Malaki naman ang naging kasiyahan ng nga bakatanggap ng benepisyo at sinabing hindi na umano nila kailangan pang mangarap para lamang magkaroon ng sariling kagamitan.

Tiniyak din ng mga benipisyaryo na pangangalagaan at iingatan nila ang mga kagamitan upang mai-angat ang kanilang buhay, kumita para sa kanilang pamilya, umunlad at maging produktibong mamamayan.(bar, PIA Sorsogon)

Thursday, December 1, 2011

Papel ng media mahalaga sa kampanya laban sa pagsugpo sa sakit na TB


Ni: Bennie A. Recebido

Lungsod ng Sorsogon, Disyembre 1, 2011 – Sa pangunguna ng World Vision-Social Mobilization Tuberculosis Project (WV-SMTP) sa pakikipagtulungan nito sa Kapisanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas (KBP) Sorsogon Chapter, matagumpay na nagtapos kahapon ang dalawang araw na seminar-workshop para sa labing-walong mga mamamahayag ng Sorsogon na pinamagatang “Communicating the Social Mobilization Tuberculosis through the Media”.

Malinaw na nailahad sa mga brodkaster ng Sorsogon ang mahahalagang konsepto at impormasyon ukol sa kadahilanan, pagsugpo at paggamot sa sakit na Tuberculosis (TB).

Sa naging aktibidad, pangunahing tinutukan ang mahalagang papel ng media sa kampanya laban sa pagsugpo sa sakit na TB kung saan sa naging pahayag ni Communications Specialist Elenor T. De Leon, tinatawag na 4th estate ang mga mamamahayag dahilan sa malaki ang kapangyarihan nitong makagawa ng mga balita o isyung pag-usapan ng lahat. Ang media umano ang pinakamabisang paraan upang malaman ng publiko kung ano ang nagaganap sa paligid kasama na ang mga hakbang na ginagawa ng mga kinauukulan upang mabigyang kasagutan ang mga isyu at kaganapang ito.

Binigyang-diin din niya na bilang mamamahayag dapat na malinaw sa kanya kung ano ang konsepto at impormasyong dapat na maipaabot sa publiko, may basehan, gumagawa ng kaukulang pananaliksik at nakikipagkawing sa mga tamang personalidad at ahensyang may awtoridad na magsalita ukol sa isyung pinag-uusapan o ibinabalita.

Tinalakay naman ni Christopher B. Estallo, manager, Advocacy and Strategic Partnerships, World Vision Philippines ang paksang “Mobilizing for TB Communicating SMTP Initiatives in Sorsogon City.

Aniya, sa kanilang adbokasiya laban sa sakit na TB, mahalagang natututukan ang program advocacy, policy advocacy at media advocacy. Iprinisinta din niya kung ano ang maaaring gawin ng media upang maipaabot sa publiko ang mga inisyatibang nagawa at kasalukuyang ginagawa ng mga awtoridad sa kalusugan sa Sorsogon City ukol sa kampanya laban sa TB.

Naniniwala din ang World Vision na sa pamamagitan ng public-private partnership tulad umano ng tulungang hakbang ng World Vison, KBP at ahensya ng pamahalaan sa kalusugan, hindi maglalaon at makakamit ang mithiing maalis ang stigma ng TB sa komunidad at mapapagaling ang mga residenteng nabibiktima ng sakit na TB. (PIA Sorsogon)

Sekretarya ng mga barangay sa Sorsogon City sinanay, sistema sa Katarungang Pambarangay tinutukan


Ni: Bennie A. Recebido

Lungsod ng Sorsogon, Disyembre 1, 2011 – Upang mabigyan ng mas mataas na kaalaman ang walumpu’t-pitong sekretarya ng barangay mula sa iba’t-ibang mga barangay sa lungsod ng Sorsogon, isinailalim ang mga ito sa isang pagsasanay nang sa gayon ay mas maging malinaw sa kanila ang kanilang mga trabaho at papel na ginagampanan partikular sa sistema ng Katarungang Pambarangay.

Ang nasabing capacity building enhancement training ay pinangunahan at pinondohan ng ng Philippine Center for Civic Education and Democracy  (PCCED) sa ilalim ng Agencia Espanola de Cooperacion International para el Desarollo (AECID).

Ayon kay Dr. Librada Esplana, regional coordinator of PCEED, pangunahing layunin ng aktibidad na mabigyan ng kakukulang kasanayan at kaalaman ang mga barangay secretary ukol sa tamang pagdodokumento ng ga reklamo at negosasyon sa barangay at paghahanda ng mga papeles na kakailanganin para sa mga legal na hakbang at matuto  din ng tamang karakter at pamamaraan sa pagsusulong ng kapayapaan at hustisya sa kanilang mga komunidad.

Matatandaang makailang ulit na ring nagsasagawa ng mga serye ng aktibidad ang PCEED sa pamamagitan ng pagpapataas ng kamalayan at kapabilidad ng mga mamamyan sa Sorsogon sa ilalim ng kanilang Project Citizen Program.

Ang nasabing pagsasanay para sa mga barangay at lupon secretary ay kabilang din sa Barangay Rule of Law Program na naglalayong mabigyan ng kapasidad ang mga opisyal ng barangay ukol sa epektibong pagpapatupad ng katarungan sa barangay.

Naging tagapagsalita sa capacity building enhancement training si Department of the Interior and Local Government  (DILG) Sorsogon City Director Roque de los Santos. (PIA Sorsogon)

DTI- DAR partners in “Plant a Tree Program”


By Irma A. Guhit

SORSOGON CITY, NOVEMBER 30 (PIA)…. Underscoring the continuous support to the National Greening Program (NGP) of government, the Department of Trade and Industry (DTI) and  the Department of Agrarian Reform (DAR) through its Comprehensive Agrarian Reform Beneficiaries Program (CARP)  have forged partnership in the massive planting of the pili trees here.

Pili, considered as the high value crop of the province of Sorsogon has been also identified as one of the natural environmental trees to planted to ensure measures in adaptation and mitigation to Climate Change's ill effects.

DTI here through the Small and Medium Enterprise Development Counci (SMEDC) has vowed in the same manner to initiate proper coordination with local officials in the propagation of the said high value crop.

 Pili, being Bicol’s prime commodity has been one of the sources of employment here for households, street vendors, traders and processors.

lLeah Pagao, provincial director here of DTI  said that pili has already gained a niche in almost all DTI trade fairs as Bicols best commodity champion in sales, truly marketable and an export earner for the region.

Pagao said that it has also been an identifying  flagship business opportunity for Bicol and the top OTOP product of Bikol.

CARP beneficiaries here were trained and tapped to plant throughout the province with seedlings supplied by the Department of Agriculture.

Alleviation of poverty, according to  Pagao is one of the main objectives in the massive planting of pili hand in hand with environmental conservation and economic development enterprise.

The Department of Environment and Natural Resources (DENR) thrusts’ and the provincial government of Sorsogon’s initiative to harmonize efforts in Climate Change adaptation and mitigation through pili planting will be one of the continuous activities of the province to be undertaken.

Resource speakers from DA have also been tapped to provide more information to CARP beneficiaries in the proper propagation of the pili tree.

Meanwhile, seedlings were also distributed to 100 beneficiaries region-wide and proper validation of areas for pili plantation has been identified already.

Pili is an endemic specie of plant here in the Bikol region and  does not need so much care as it is very adaptable to our climate and weather condition. It's known for  sturdiness, can withstand strong winds and has been seen proven to be resistant to typhoons.

The" Plant a Tree Program" has already been recommended by DENR as Secretary Ramon Paje of DENduring his visit here and regional director of DENR RO V, Joselin Marcus Fragada during the launch of the National Greening Program has declared to make pili as the tree to be massively planted in region.(PIA-SORSOGON)