Ito ay bunsod ng ilang reklamong nakumpirma
ng kanilang tanggapan na may mga punong barangay na winawarningan o tinatakot
ang mga benepisyaryo ng 4Ps sa kanilang mga nasasakupang lugar na tatanggalin
sa listahan ng mga benepisyaryo sakaling hindi nila suportahan ang iniindorso
nilang alkalde sa darating na halalan.
Sa kanyang paglilinaw, sinabi ni Armena na
maaari lamang maalis sa masterlist ang isang benepisyaryo ng 4Ps kung hindi ito
nakasunod sa mga itinakdang alituntunin ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program
at hindi dahil sa hindi ito sumuporta sa isang pulitiko.
Aniya, tanging ang tanggapan lamang ng DSWD
ang siyang magdedesisyon kung dapat na tanggalin sa listahan ang isang
benepisyaryo ng 4Ps dahil lumabag ito sa mga patakaran tulad halimbawa ng
pagpapatigil sa pag-aaral ng mga anak at pagpapabaya sa kalusugan ng anak.
Awtomatiko din umano nilang tinatanggal sa
listahan sakaling mapatunayan, yaong mga pamilyang nakakaalwan sa buhay subalit
naitala bilang benepisyaryo.
Kaugnay ng mga reklamong nakarating sa
kanilang tanggapan, nagsagawa na sila ng inisyal na hakbang sa pamamagitan ng
pinalawak na pagpapaabot ng tamang impormasyon sa mga komunidad at
pagpapaigting pa sa kampanyang “Bawal ang EPAL dito”.
Sinabi din niyang matagal na rin nilang
ipinapaliwanag sa mga benepisyaryo at mga pulitiko na iwasang magamit ang
Poverty Reduction Program ng gobyerno para manghikayat o manakot ng mga
botante.
Aminado siyang dapat na mabigyan ng
kaukulang pansin at solusyon ang reklamo lalo pa’t programa ito ng pamahalaang
nasyunal kung saan makikinabang ang libo-libong mga mahihirap na Pilipino.
Umaasa din si Armena na tutugon ang mga
lokal na opisyal sa kanilang panawagan at umaasang tutulong na lamang ang mga
ito upang maipaabot ang programa ng 4Ps sa tamang mga benepisyaryo.
(FBTumalad/BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment