Ni: FB Tumalad
LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 25 (PIA) – Upang
higit pang mapataas ang antas ng kalidad nito at makahikayat ng maraming mag-aaral
ang Sorsogon State College (SSC) isinusulong ng Sangguniang Panlalawigan ang
pagiging unibersidad nito.
Matatandaang una nang naghain ng isang
resolusyon kamakailan sa Department of Education at Commission on Higher
Education (CHED) si 2nd
District Provincial Board Member at Committee on Culture Chairman Benito Doma na humihiling na gawing unibersidad ang
SSC.
Nagsagawa na rin ito ng Committee Hearing
at base sa resulta ng mga napagkasunduan at rekomendasyon hinggil sa upgrading
ng Sorsogon State College na inerekomenda ni Doma ang agarang pagpasa sa isang
resolusyon ng konseho.
Maging ang mga tumatakbong kandidato sa
pagkakongresista ng una at ikalawang distrito ay pumapabor din na maging
unibersidad na ang SSC.
Ayon naman sa pamunuan ng SSC, sa oras na
maging unibersidad na sila ay maari na silang mag- alok ng mga advance courses
at iba pang mga kurikulum.
Sa kasalukuyan ang mga kurso na maaring
kunin sa SSC ay Education, Technology, Engineering, Architecture, Public Administration,
Accountancy, Economics and Finance, Agriculture, Forestry and Fishery at ang
Arts and Sciences.
Nitong tumalikod na pasukan umabot sa 8,605
ang populasyon ng mga mag-aaral sa SSC.
Nagbigay din ng katiyakan si SSC President
Antonio Fuentes sa pamamagitan ng tagapagsalita nito na si Vice-president
Ritselda Deri na hindi sila magtataas ng tuition fee sa oras na ma-upgrade ang
paaralan at tuluyan itong maging isang university. (FB Tumalad, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment