Friday, August 10, 2012

DENR Bicol beefs up forest protection and law enforcement


LEGAZPI CITY, August 10 – An intensified forest protection and law enforcement campaign of the Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol proved to be successful with 14,306 board feet (bd. ft.) of illegal lumbers and 28 sacks of wood charcoal confiscated in a series of operations being conducted by field offices, Phil. National Police (PNP) and the Armed Forces of the Philippines (AFP).
           
“Reports coming from the field offices revealed that seven weeks worth of increased operations against illegal logging/cutting by forestry and security personnel have led to this accomplishment,” DENR V Regional Executive Director Gilbert Gonzales said.

Dir. Gonzales said from the period of the later part of June to early August, five successive operations were carried out in Sorsogon which resulted to the apprehension of  3,945 bd. ft. and 28 sacks of wood charcoal, three apprehensions in Masbate with 5,229 bd. ft., two apprehensions in Catanduanes 3,220 bd. ft., one apprehension in Camarines Norte with 1,910 bd. ft., and one apprehension in Camarines Sur that accrued a confiscation of 28 sacks of charcoal.

“All confiscated lumbers and sacks of charcoal are taken under DENR custody which will undergo further criminal/administrative adjudication” he added.

Early on, RED Gonzales directed his field officers to heighten forest protection and law enforcement campaign to arrest alleged rampant illegal logging/cutting of trees in several areas of Bicol Region. (LASoriano, DENR-RPAO/PIA Sorsogon)
Task Force Meeting. DENR Bicol Regional Executive Director Gilbert Gonzales (2nd from right) presides at the meeting of the Regional Anti-Illegal Logging Task Force (RAILTF). The RAILTF, which has the government security units and justice department as interim members is tasked with the enforcement of Executive Order 23 or the moratorium on the cutting and harvesting of timber in natural and residual forests. The DENR – Forest Management Service has reported a significant decrease in illegal logging apprehensions in the first semester of 2012. (Photo by Jessel S. Basanta/ PIA Sorsogon)
Land Mapping. DENR - Forest Management Service Regional Technical Director Antonio Abawag converses with a NAMRIA (National Mapping and Resource Information Authority) staff at the confab - Presentation of the Land Cover Mapping of Bicol Region today (Aug. 7, 2012). NAMRIA will be releasing the land cover maps of the region that are of significant use to local governments. NAMRIA, which surveys and maps the land and water resources of the Philippines is a line agency of the DENR.  (Photo by Jessel S. Basanta/PIA Sorsogon)

DAR Photo Release

DAR’s “Radyo Agraryo”. CARPO Lucy S. Vitug, head of BDCD (Beneficiaries’ Development Coordinating Division) and her staff while airing DAR Sorsogon’s radio program heard throughout the province of Sorsogon in 102.3 DZGN-FM.  Radyo Agraryo is already 15 weeks on air every 7:00-8:00 in the evening on Sundays. Radyo Agraryo is not just DAR’s program but also a “long-distance-education” for Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs). Through the coordination of the Municipal Agrarian Reform Officers (MAROs), the ARB-enrollees were given notebooks and pens where they write their answers to every quiz given during the airing of Radyo Agraryo. The MAROs check their notes monthly and those who got perfect score receive incentives from DAR. “We selected the timeslot on Sunday evening so as not to have conflict with any teleseries or TV news which our listeners used to watch,” said CARPO Lucy. The program is a very effective medium in providing information and educating our farmers. (AJA, DAR/PIA Sorsogon)
ARCP2 Ceremonial MOA Signing. ARCP2 Officers together with the officers of LGU-Bulan (above photo) and of LGU-Juban (photo below) during the Agrarian Reform Communities’ Project2 (ARCP2) Financial Management System Training & Ceremonial Signing held on June 13-14, 2012 in Gubat, Sorsogon. Dir. Homer Tobias, CESO III and ARCP2 National Project Coordinator came to Sorsogon for the said LGUs’ training under ARCP2 and ceremonial signing of MOA.  “This is for the LGUs, in order for them to understand well the Financial Management System of ARCP2”, said Roseller R. Olayres, Provincial Agrarian Reform Officer II of Sorsogon. (AJA, DAR/PIA Sorsogon)

Children’s Park magiging dagdag atraksyon sa Sorsogon City Park


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Agosto 9 (PIA) – Unti-unti nang nagiging popular at paboritong pasyalan ng mga tao, bata man o matanda, pamilya man o indibidwal ang City Park sa Sorsogon City Complex sa Brgy. Cabid-an, Sorsogon City.

Bunsod nito at sa kagustuhan ni Sorsogon City Mayor Leovic R. Dioneda na gawing mas kaakit-akit pa ang paglalaro dito at pamamasyal ng mga bata, naisipang magpatayo ng alkalde ng Children’s Park sa kaliwang bahagi ng Sorsogon City Hall sa Brgy. Cabid-an.

Ayon sa alkalde, palalagyan nya ng siyam na mga yunit ng playhouse at 20 pirasong life size na mga rebulto. Ang mga rebulto ay kakatawan ng iba’t-ibang mga propesyon tulad ng guro, pari, doktor sundalo, pulis, inhenyero at marami pang iba na magsisilbing inspirasyon sa mga bata sa kanilang paglaki at hihikayat din sa kanila na magtapos ng kanilang pag-aaral.

Palalagyan din umano niya ng maganda at maayos na landscape, bicycle lane, ilaw at mga pasilidad na tiyak na magiging dagdag atraksyon at ikasisiya ng mga Sorsoganong mahihilig mamasyal sa City Hall complex lalo na sa gabi at kung maganda ang panahon. Maging ang mga turistang dadayo dito ay tiyak din umanong maaakit sa mga bagong makikita sa parke.

Sa kasalukuyan ay dinarayo na ang parke ng mga taong nais mamasyal sa umaga man o maging sa gabi, yaong mga nais mag-ehersisyo at maging yaong nais lamang maglakad-lakad sa may malawak na espasyo at mahanging lugar.

Samantala, tiniyak naman ng Sorsogon City Police na ipinatutupad nila ang ibayong pagbabantay sa lugar upang matiyak na ligtas na makapamasyal ang publiko lalo na ng mga bata sa lugar.

Sa kasalukuyan ay wala umanong naitatalang anumang mga insidenteng nakasisira sa kapayapaan at kaayusan sa Sorsogon City Park kung kaya’t nananatiling ligtas mamasyal ang publiko dito. (BARecebido, PIA Sorsogon)

Thursday, August 9, 2012

Akreditasyon ng mga CSOs mahalaga


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Agosto 9 (PIA) – Kakailanganin ng isang civil society organization (CSO) o dating mas kilala sa tawag na non-government organization (NGO) na ma-akredit kung nais nitong mapabilang sa local special bodies sa mga proyektong nais ipatupad ng pamahalaan.

Ito ang inihayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) provincial director Ruben Baldeo kung saan sinabi din niyang kapag hindi ito ginawa ng mga CSOs ay maaari itong makunsiderang hindi na aktibo o wala na.

Ayon kay Baldeo, kinakailangang bawat taon ay magpa-akredit ang mga ito sa Sangguniang Panlalawigan, lungsod o bayan.

Nilinaw din ng opisyal na bagama’t sa umpisa lamang ng termino ng mga nahalal na opisyal ng lokal na pamahalaan kailangang ma-akredit ang mga nais mapabilang sa special bodies, kinkailangan pa rin silang magpa-akredit bawat taon upang matiyak na patuloy pa rin ang operasyon ng isang CSO.

Anumang araw ng taon basta’t oras ng opisina ay maaari umanong mag-aplay para sa akreditasyon ang CSO sa mga Sangguniang Panlalawigan.

CSO at pribadong sector ang kailangang bumuo sa sangkapat (1/4) na kasapi ng local development councils.

Ang pagiging bahagi ng CSO at pribadong sector sa local development council, health board, school board, peace and order council at pre-qualification ng bids and awards committee ay nakapaloob sa Local Government Code kung kaya’t mahigpit itong ipinatutupad.

Samantala, hinikayat ni Baldeo ang mga NGO/CSO na sumali sa mga nabanggit na special bodies sapagkat nabibigyan ng kaukulang awtoridad ang mga nagiging kasapi nito.

Sa tala ng Provincial Alliance of Non-Government Organizations and People’s Organizations for Development (PANGOPOD), Inc., aabot sa 43 mga NGOs at POs sa Sorsogon ang kasapi nilang mga organisasyon at akreditado ng Sangguniang Panlalawigan. (BARecebido, PIA Sorsogon/SG)

OCD V namahagi ng tulong sa mga apektado ng storm surge sa Bicol



LEGAZPI CITY – Namahagi ng non-food relief items ang Office of Civil Defense (OCD) V bilang tulong sa mga pamilyang naapektohan ng storm surge lalawigan ng  Bulan Sorsogon, Masbate, at Libon Albay.

Ilan sa mga naipamahagi ay mga kagamitan para sa araw-araw na pangangailangan tulad ng damit at kagamitan sa pagluluto.

Ayon kay OCD V Operation Division Office Chief Harriet Sison, ang storm surge ay epekto ng bagyong Gener na nanalanta sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas noong Hulyo 29 – Agosto 2 nitong taon.

Karamihan sa mga apektadong lugar ay malapit sa karagatan gaya na lamang ng Bulan sa Sorsogon, Esperanza, Poblacion at Iligan sa Masbate at Makabugos sa Libon Albay.

Kanya ring kunumpirma na umabot sa mahigit 100 apektadong  pamilya sa rehiyon ang nabigyan ng tulong.

Sa lalawigan ng Sorsogon halos 79 na pamilya ang naapektohan kasabay ng naitalang pitong totally damaged at 62 partially damaged na kabahayan.

Kabilang sa mga ipinamahaging non-relief goods sa mga apektado sa Sorsogon ay ang mga sumusunod: 30 set ng mga gamit panluto na nakalagay sa plastic box container, 69 set ng gamit pangkain, 89 piraso ng banig, 62 pirasong thermal blanket, 69 balot ng mga personal na damit para sa mga lalaki, 69 balot ng mga personal na damit para sa mga babae, 69 balot ng mga personal na damit para sa mga bata, 69 balot ng mga personal na damit para sa mga sanggol, 74 pirasong lalagyan ng 5 gallon na tubig at 74 pirasong lalagyan ng 2.5 gallon ng tubig.

Umabot naman sa 30 pamilya o may kaubuuan na 129 katao ang apektado sa Masbate kasabay ang 12 totally damaged at 18 partially damaged na kabahayan. (PIA-RO5)

DENR V Photo Release

Declaration of Commitment. Rep. Luis Villafuerte (2nd from left) of the 3rd District of Camarines Sur stares at the signing of the joint declaration of commitment for the nomination of Mt. Isarog Natural Park as a Biosphere Reserve as Peter Dogse (extreme left) of UNESCO (United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization) also observes. A biosphere reserve is a protected area which aims to conserve genetic resources, species and ecosystems to serve as a venue for scientific research, monitoring and promotion of sustainable development. As of to date, Palawan and Puerto Galera are the only declared biosphere reserves in the country. (Photo by Juan Belardo/PIA Sorsogon) 

  Naturalist Eco-tour Confab. DENR Regional Executive Director Gilbert Gonzales welcomes the strong collaboration of the Environment Sector, the Department of Tourism (DOT), local governments, stakeholders and mountaineer/tour guides. The seminar is part of a seven-day confab that would train Naturalist/Eco-tour Guides for Protected Areas in Albay and Camarines Sur, like Mt. Mayon and Mt. Isarog which are frequented by trekking/mountain climbing enthusiasts. (Photo by Juan Belardo/PIA Sorsogon)

Wednesday, August 8, 2012

Mga bata dapat ding sanayin ukol sa kahandaan sa mga kalamidad


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Agosto 8 (PIA) – Sa kasalukuyang mga kaganapan sa kalakhang Maynila kung saan nagkaroon ng malawakang pagbaha, dapat umanong hindi lamang nakatuon sa mga opisyal ng barangay, magulang o mga adult ang gagawing pagtuturo ng disaster preparedness sa komunidad.

Ito ang naging pahayag ni Girl Scout of the Philippines (GSP) Sorsogon Council Executive Sarah Ebdani kung saan sinabi niyang mahalagang maturuan din ang mga bata kung paanong ililigtas ang kanilang mga sarili lalo na sa panahong nagkakaroon ng sakuna tulad ng bagyo, baha at landslide.

Aniya, bahagi na ng kanilang taunang pagsasanay ang Service Auxilliary Volunteer for Emergency and Relief (SAVER) Program kung saan sinasanay nila ang mga mag-aaral na babaeng scout mula sa tinatawag nilang twinklers o pre-schoolers, star scouts o yaong Grade One hanggang Grade Three pupils, Junior Girl Scouts o mga Grade Four hanggang Grade Six pupils at Senior Girl Scout naman sa sekundarya kung paano silang maihahanda sa mga sakuna at pangyayaring hindi alam kung saan at kung kailan mangyayari.

Nakapaloob sa kanilang pagsasanay ang educational leadership, emergency action drill, life saver’s drill at basic navigation. Ang mga kasanayang ito umano ang magiging sandata nila sakaling maharap sa mga sakuna o hindi inaasahang pangyayari dala ng natural o maging ng mga sinadyang kaganapan.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng Family Disaster Plan kung saan sa pamamagitan umano nito ay magkakaroon ng isahang kaisipan, desisyon at mga paggalaw ang bawat kasapi ng pamilya. Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang mga aksidente at wala sa panahong pagkawala ng buhay at ari-arian.

Samantala, matatandaang kamakailan lamang ay nagkaroon ng pirmahan ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo at GSP National President Dr. Salud Bagalso kung saan magiging katuwang na ng DILG ang buong puwersa ng GSP sa pangangalaga ng kalikasan, partikular sa tuwing may mararanasang kalamidad ang bansa.

Kilala ang GSP bilang isang national civic organization para sa mga batang babae na ang misyon ay tulungang maging handa ang kanilang mga miyembro sa mga responsibilidad na kanilang kaakibat sa paglaki, hindi lang sa kanilang mga bahay kundi pati sa kanilang komunidad. (BARecebido, PIA Sorsogon)

Apat pang proyekto sa ilalim ng PAMANA-DILG Fund, inindorso ng PPOC


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Agosto 8 (PIA) – Matapos ang masusing pag-aaral at deliberasyon ng mga kasapi ng Sorsogon Provincial Peace and Order Council (PPOC) Technical Working Group sa kumpletong mga dokumento, iprinisinta na sa mga kasapi ng PPOC ang apat na mga proyekto sa bayan ng Magallanes upang aprubahan at ma-iindorso na ito sa Regional Peace and Order Council (RPOC).

Ang mga proyekto ay kinabibilangan ng pagpapaganda pa ng Lourdes Grotto sa Brgy, Behia na nagiging popular at dinarayo na ng mga turista at deboto lalo na sa panahon ng kwaresma; pagsasaayos at pagpapaganda pa ng Bucalbucalan Spring sa Brgy. Aguada Sur; Evacuation Center; at mga kagamitan sa panahong nagkakaroon ng mga kalamidad.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) provincial director Ruben Baldeo, ang mga ito ay kasama din sa popondohang proyekto sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan – Department of Interior and Local Government (PAMANA-DILG) 2012 Fund Phase III project.

Matatandaang una nang inindorso ng PPOC sa RPOC ang pitong proyekto sa mga bayan ng Casiguran, Juban, Barcelona, Gubat at Irosin upang maaprubahan na ito.

Ayon kay Baldeo sakaling maaprubahan na ang mga proyektong ito ay mailalabas na ang tig-lilimang milyong pondo bawat proyekto, at agaran na ring masisimulan ang implementasyon nito. (BARecebido, PIA Sorsogon)


Limang preventive maintenance project nakumpleto na ng DPWH-S2DEO


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Agosto 7 (PIA) – Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways-Sorsogon 2 District Engineering Office (DPWH-S2DEO) ang limang preventive maintenance projects nito na pinondohan ng mahigit sa P35-M.

Ang mga ito ay ang Gate-Bulan Airport Road na may P4-M pondo na naibigay sa Green Zone Construction and Supply; Preventive Maintenance ng Daang Maharlika sa Brgy. Bolos, Irosin, Sorsogon na may pondong P7-M; Preventive Maintenance ng Daang Maharlika sa Brgy. Pange, Matnog, Sorsogon na may pondong P6.756-M; Preventive Maintenance sa kahabaan ng Juban-Magallanes Road sa Juban, Sorsogon na may pondong P10-M; at ang Preventive Maintenance ng Junction Gubat-Pto Diaz Road sa Cogon at Gubat na may pondong P8.136-M.

Ang apat na mga proyektong nabanggit ay lahat naibigay sa Hi-Tone Construction and Development Corporation.

Ayon kay District Engineer Jake Alamar, malaking bahagi ng pondong inilaan sa kanila ngayong taon ay para sa rehabilitasyon at pagsasaayos ng mga kalsada habang ang ilang bahagi nito ay inilaan para sa preventive maintenance ng mga kalsada.

Matatandaang bahagi ng mandato ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III ang maayos at epektibong pagpapatupad ng mga proyekto ng pamahalaan ayon sa nakatalagang work program nito.

Mahalaga umano ang pagpapatupad ng preventive maintenance lalo na’t marami na ang mga kalsadang nasisira na ngayon dahil na rin sa katagalan at sa dami ng mga motoristang dumadaan dito at pagkalantad na rin sa mga natural na kalamidad. (BARecebido, PIA Sorsogon/HDeri, DPWH-S2DEO)

PIPS malaking tulong sa pagmantini ng kapayapaan sa Sorsogon


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Agosto 7 (PIA) – Malaking tulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ang pinaigting pang Police Integrated Patrol System (PIPS) police visibility patrol at security operation ng Sorsogon Police Provincial Office sa pamumuno ni PSSupt John CA Jambora.

Ayon kay Provincial Director Jambora pinalawak pa nila ang sistema ng kanilang foot at mobile patrol, checkpoint operation, saturation drive, OPLAN Bakal at ang kanilang mabuting relasyon sa komunidad.

Aniya, upang mapalakas pa ang kanilang pwersa, itinalaga din nila ang mga kapulisang may administratibong katungkulan na magsagawa ng mga beat patrol duty sa iba’t-ibang mga yunit at istasyon ng pulisya sa lalawigan.

Matatandaang bumaba ang bilang ng mga insidente ng krimen sa Sorsogon sa loob ng unang anim na buwan ngayong taon kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sa istatistika ng PNP Sorsogon, mas mababa ng 91 kaso ng krimen ang naitala ngayon sa bilang na 436 kumpara sa 527 na kaso noong 2011.

Physical injury ang nangunguna sa listahan ng may mataas na bilang ng kaso ng krimen na ayon sa PNP ay kadalasang sanhi ng pag-inom ng alak at personal na alitan alinsunod na rin sa mga naitalang blotter. Habang pumapangalawa naman ang kasong pagpatay na kadalasang gamit ang mga hindi lisensyadong baril.

Ayon pa sa istatistika ng Sorsogon PNP, ang Sorsogon City ay may 93 kaso ng krimen na naitala, sunod ang bayan ng Irosin na may 62 kaso, Pilar - 37, Bulan - 32, Gubat - 29, Juban – 28, Barcelona, walo habang tatlong kaso naman ng krimen ang naitala sa bayan ng Sta. Magdalena.        

Sa bahagi ng crime efficiency rating ng PNP Sorsogon, 53 porsyento ang naitalang marka ng SPPO,mas mataas ito ng 15 porsyento kumpara sa 38 porsyentong marka na nakuha nila noong 2011.

Ang magandang rekord na ito umano ay utang din sa buong suportang ibinibigay ng pamahalaang probinsyal ng Sorsogon sa pamumuno ni Gov. Raul R. Lee at Sorsogon City Mayor Leovic R. Dioneda sa mga pangkapayapaang inisyatibang ginagawa ng kapulisan lalong-lalo na din sa komunidad na patuloy na nakikiisa at sumusuporta sa mga adhikain ng PNP. (BARacebido, PIA Sorsogon)

Monday, August 6, 2012

DPWH-S2DEO fully completed five preventive maintenance projects


SORSOGON CITY, August 6 (PIA) – Following the government’s mandate on transparency and efficiency in dealing with programs and projects, the Department of Public Works and Highways-Sorsogon 2 District Engineering Office (DPWH-S2DEO) has conducted an on the dot and proper handling and implementation strategies of the projects being executed by the office.

These strategies are likewise in line with the department’s dictum: “Right Project, Right Cost, Right Quality and Right Time”.

District Engineer Jake Alamar said that for this year’s allotment of funds, a large chunk was appropriated for road rehabilitation and improvement, and a fraction of which was set aside for the preventive maintenance of the roads.

“More than P35-M allocated for the preventive maintenance function was released, utilized and contained for selected (national primary and secondary) roads of the Second Congressional and Engineering Office,” said Alamar.

The upgrading of the national arterial as well as secondary roads, of which some has critical or serious condition, has been hastily implemented.

The DPWH-S2DEO takes pride in reporting that five preventive maintenance projects are now fully accomplished namely: Preventive Maintenance of Gate-Bulan Airport Road (KO631+300 – KO631+800) with a Php4-M funding awarded to Green Zone Construction and Supply; Preventive Maintenance of Daang Maharlika (KO613+350 – KO613+885) in Brgy. Bolos, Irosin, Sorsogon with an allocation of Php7-M; Preventive Maintenance of Daang Maharlika (KO634+000 – KO634+474) in Brgy. Pange, Matnog, Sorsogon with a funding of Php6.756-M; Preventive Maintenance along Juban-Magallanes Road (KO607+000 – KO608+430) in Juban, Sorsogon with a funding of Php10-M; and the Preventive Maintenance of Junction Gubat-Pto Diaz Road (KO599+(-041) – Ko599+959) along Cogon and Gubat with a fund allocation of Php8.136-M.

The four projects were all awarded to Hi-Tone Construction and Development Corporation.

Alamar also said that for the Current Year 2012, the office has implemented and likewise bent on implementing various programs and projects that will certainly reap positive results to the local populace. “With the completion of said preventive maintenance works for these national roads, commuters and the riding public will surely find ease in travelling and transporting their goods and services,” he added.

The implementation of preventive maintenance is imperative with the copious rate of roads that are now deteriorating due to long years of service to all types of road vehicles and exposure to natural/environmental hazards and factors. (HDeri, DPWH-S2DEO/BARecebido, PIA Sorsogon)