Wednesday, April 27, 2011

Pitong mga Dolphins kinatay sa Pilar, Sorsogon


Ni: Bennie A. Recebido

Sorsogon City, April 27 (PIA) – Pitong mga dolphin ang naiulat na kinatay ng mga nakahuling mangingisda sa Brgy. Bantayan, Pilar, Sorsogon kahapon ng umaga.

(Photo courtesy of Joey Gois)
Sa impormasyon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) regional office V sa Provincial Veterinary Office, sinabi nitong ilang concerned citizen ang nagpaabot sa kanila na nakahuli ng walong dolphin ang mga mangingisda. Nakawala diumano ang isa, at sa kabila ng naging pag-iiyak ng pitong mga dolphin ay kinatay pa rin ito ng mga mangingisda at ilang residente bago pa man dumating ang mga awtoridad.

Sa inisyal na imbestigasyon, matapos pagpyestahan at paghati-hatian ang mga karne ay pumuslit na ang mga suspetsado sa direksyong patungong Castilla upang mailusot at ibenta ito sa Daraga, Albay.

(Photo by: Joey Gois)
Kaugnay nito, agad na nagsagawa ng koordinasyon ang BFAR at Provincial Veterinary Office sa mga awtoridad at inalerto rin ang mga bantay dagat ng Pilar at Castilla.

Narekober ng PNP ang dalawang ulo ng kinatay na dolphin at ayon pa sa ilang mga residente, hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nangyari ang ganito sa Bantayan, Pilar kundi halos ay araw-araw na may isinasagawang patagong pagkakatay ng dolphin.

(Photo by: Joey Gois)
Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Enrique Espiritu, nakakalungkot na hindi nauunawaan ng publiko partikular ang mga nasa barangay ang kahalagahan ng mga yamang dagat na ito.

Sinabi ni Espiritu na mapapansing maraming mga dolphins ang napapadpad sa karagatang sakop ng Sorsogon at isa itong indikasyong maaaring magtagal ang ganitong mga uri ng malalaking mammal dito na kung masusunod lamang ang tamang protocol sa paghawak sa ganitong mga pangyayari ay tiyak na magdadala ng kaginhawahan sa mga lokal na residente.

Samantala, nakatakda namang sampahan ng kaso ng BFAR V ang dalawang nakilalang suspek ng paglabag sa Republic Act 8550 o “Fisheries Code of 1998”, Fisheries Administrative Order No 185-1 at Fisheries Administrative Order No. 208, mga batas ito na pawang nagbibigay proteksyon sa mga papaubos, nanganganib at bibihirang mga uri ng isda at mga yamang tubig na tulad ng dolphin, pating, pawikan at babuy-dagat. (PIA Sorsogon) 

Maritime Parade tampok sa pagbubukas ng Butanding Festival 2011


Ni: Bennie A. Recebido

Sorsogon City, April 27 (PIA) – Pormal nang nagbukas ngayong araw ang 11th Butanding Festival sa bayan ng Donsol kung saan sisimulan ito sa pamamagitan ng banal na misa sa St. Joseph Parish Church.

Tampok sa apat araw na pagdiriwang mula ngayon, April 27 hanggang April 30, ang maritime parade kung saan ipaparada sa bisinidad ng Donsol ang iba’t-ibang mga replica ng Butanding na isasakay sa mga bangka at sisimbolo sa pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng karamihan sa mga residente ng Donsol.

Ilan pa sa mga aktibidad na inaabangan sa grand opening day ay ang opening program, mural painting, trade fair, photo exhibit, civic parade, coastal clean-up, tree planting,  barangay night at fireworks display.

Sa April 28 ay magkakaroon naman ng Youth Forum, bingo socials, sibidan race, wacky marathon at ilang sports activities.

Sa April 29 naman gaganapin ang videoke challenge at body watch kung saan inaasahan ang pagdating diumano ng popular teen-age star na si Kim Chu.

Sa April 30 ay magkakaroon naman ng medical mission, awarding ceremonies, beer plaza, LGU night at fireworks display.

Tema ng Butanding Festival ngayong taon ang “Continuing Efforts for Tourism Sustainable Development and Ecological Conservation.”

Ayon kay Donsol Mayor Jerome Alcantara positibo silang dadagsain ng mga turista ang kanilang festival lalo pa’t maraming mga aktibidad din ang inihanda nila.

Hinikayat din niya ang publiko lalo na ang mga taga-Sorsogon na suportahan nito ang kanilang festival ngayong taon at maging sa susunod pang mga taon. (PIA Sorsogon) 


Tuesday, April 26, 2011

Butanding sightings padami ng padami


Ni: Bennie A. Recebido

Sorsogon City, April 26 (PIA) – Patuloy na dumadami ang bilang ng mga Butanding na nakikita ngayon sa karagatan ng Donsol. Ito ang naging kumpirmasyon ni Donsol Sangguniang Bayan member at Committee chair on Tourism Ronald Malilin.

(photo by: Joey Gois)
Ayon kay Malilin, kinakailangang i-regulate ang bilang ng mga bangkang pinapayagang pumalaot para sa Butanding inter-action upang matiyak ang seguridad ng mga pamoso at higanteng isda lalo pa’t 20-30 meters mula sa dalampasigan ay may mga sightings na ng Butanding.

Matatandaang noong nakaraang Sabado at Linggo, apatnapu’t-lima lamang ang pinayagang maglayag sa karagatan mula sa animnapung mga bangkang ginagamit para sa Butanding interaction, dahilan sa dami na rin ng mga makikitang Butanding sa karagatan ng Donsol.

(Photo by: Joey Gois)
Samantala, nagkalat din ang mga dayuhang turista sa Donsol at ayon sa ilan sa mga ito, sulit diumano ang kanilang karanasan lalo pa’t tatlumpo hanggang limampu ang mga Butanding na makikita ngayon sa Donsol waters. (PIA Sorsogon)



Pasahero dagsa pa rin; tourist destinations sa Sorsogon patuloy na dinarayo

Ni: Bennie A. Recebido

Sorsogon City, April 26 (PIA) – Patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan at terminal ng bus dito matapos ang mahabang bakasyon dahilan sa paggunita sa Semana Santa.

Sa ulat na nakarating sa PIA Sorsogon, fully booked hanggang sa Miyerkules, April 27, ang mga istasyon o terminal ng mga bus dito.

Maging sa mga pantalan ng Pilar, Bulan at Matnog ay dagsa din ang mga pasaherong bibyahe patungong Maynila, Masbate, Visayas at Mindanao.

Kaugnay nito patuloy din ang pinagsanib na pwersa ng mga kapulisan at Philippine Coast Guard sa pagtiyak sa kaligtasan at seguridad ng mga pasahero at ng mga bagahe nito.

Samantala, fully booked naman hanggang unang linggo ng Hunyo ang karamihan sa mga pangunahing hotel at inn sa Sorsogon dahilan sa pamamalagi ng mga bakasyunista at turista kahit pa nga tapos na ang holy week.

Maliban kasi sa pamosong Butanding at firefly watching sa Donsol ay patok din sa mga bakasyunista at turista ang Bulusan Lake, mga paliguang tulad ng Orok Spring sa Casiguran, San Benon Hot Spring sa Irosin , Paguriran Island sa Sorsogon City, maging ang mga magagandang tanawin sa Energy Development Corporation  at iba pang mga eco-tourism destinations dito ay patok din sa mga turista . (PIA Sorsogon)




Philippine Red Cross patuloy na pinaiigting ang safety skills ng mga PRC volunteers

Ni: Bennie A. Recebido

Sorsogon City, April 25 (PIA) – Matapos na maging aktibo ang Philippine Red Cross Sorsogon Chaper partikular ang kanilang mga volunteers noong nakaraang Sabado at Linggo dahilan sa mahigpit na beach patrol guarding na isinagawa ng mga ito, ngayong araw ay nakatakda namang simulan ang limang araw na Water Survival Course sa Palhi, Sorsogon City para sa mga indibidwal na labinglimang taong gulang pataas, physically at mentally fit at nabigyan na ng pinakahuling First Aid at Basic Life Support-Cardio pulmonary Resuscitation (BLS-CPR) certificate.

Habang nakaiskedyul naman sa Biyernes ang graduation ceremony ng mga lumahok sa Summer Safety Institute - annual summer training sa lahat ng Red Cross chapters.

Ayon kay PRC Sorsogon chapter administrator Salvacion Abotanatin, layunin ng isinagawa nilang isang buwang mga aktibidad na tipunin ang mga volunteer instructors at bigyan ng updating ukol sa mga makabagong pamamaraang pangkaligtasan.

Isa diumano sa minamantini ng Red Cross ay ang pagiging pangunahing organisasyong tagapagtaguyod ng First Aid, Basic Life Support-Cardio pulmonary Resuscitation, Water Safety, Accident Prevention at iba pang mga kaugnay na programang pangkaligtasan hindi lamang sa mga lalawigan o munisipalidad kundi sa buong Pilipinas at Asia Pacific region. (PIA Sorsogon)

Selebrasyon ng Semana Santa naging maringal at mapayapa


Ni: Bennie A. Recebido

Sorsogon City, April 25 (PIA) – “Generally Peaceful.” Ito ang naging pagtatasa ng mga awtoridad dito matapos ang nagdaang selebrasyon ng Semana Santa.

Sinabi ni Sorsogon PNP provincial director PSSupt Heriberto Olitoquit na wala silang naitalang malalaking krimen o mga pangyayaring may kaugnayan sa selebrasyon ng Semana Santa sa kabila ng pagdagsa ng mga deboto at bakasyunista dito, kung kaya’t malugod niyang pinasalamatan ang mga mamamayan sa naging suporta nito sa kanilang kampanya at sa pagmamamntini ng kapayapaan, kaayusan at seguridad sa buong lalawigan.

Binati din niya ang kanyang mga tauhan dahilan sa maagap na pagpapatrulya at pagsasagawa ng kanilang tungkulin lalo na sa pagpapatupad ng check-point sa mga istratehikong lugar sa Sorsogon.

Samantala, halos ay maghapon ding naging busy ang kahabaan ng mga pangunahing lansangan dito noong Black Saturday at Easter Sunday dahilan sa kabi-kabilang mga parada at gimik ng mga paaralang nagdiwang ng kani-kanilang mga school reunions.

Punuan din ang mga beach at resorts dito na naging second venue ng mga grand reunionists.

Ayon naman sa mga obserbador, very commendable ang naging performance ng PNP, Bureau of Fire Protection, Philippine Red Cross at mga tanod na nakaantabay upang magbigay ng rescue assistance sa mga beach goer dahilan upang makapagtala ng zero incidence sa alinmang mga paliguan dito.

Subalit naging kapansin-pansin ang nagkalat na mga basura sa kalsada matapos ang prusisyon noong Biyernes Santo at maging ang mga basurang supot at sisidlan ng mga junk foods na lumulutang sa ilang mga dagat paliguan, isang indikasyon na hindi pa rin tuluyang naisasapuso ng mga mamamayan ang tamang pagtatapon ng mga basura. (PIA Sorsogon)

NAPC states : 10 Good reasons to pass the RH Bill now

NAPC states : 10 Good reasons to pass the RH Bill now
by: Irma A. Guhit

SORSOGON CITY April 25 (PIA)... "The PNoy administration is committed to provide everyone the right to informed choice and that his constituency will be served better this way since awareness is one of the best things this administration is giving. Let us help this administration do good things in the right way. As people working in government let us support  government ", National Anti-Poverty Commission (NAPC) Undersecretary Florencia "Oyen" Cassanova -Dorotan said while explaining the 10 good reasons why the Reproductive Health Bill (RH Bill) shoud be passed now.

Attended by at least 50 participants comprising of people from the members of the media community here, the Provincial Gender Advocacy and Development Council members, the Vice Mayor's Leage association officials , focal persons of the municipal gender and development councils (MGADCs), Dorotan was passionate to explain yesterday during the consultation conference of the RH Bill , the very good reasons why women should be the staunch advocates that the RH  bill be passed immediately. 

According to Dorotan, in 1998 the RH was a bland program that two Department of Health (DOH) secreataries wished to mainstream into the health system.

Now RH or reproductive health is a byword that has gripped the public consciousness.

According to her report majority supported the RH Bill in endless surveys while congressional and presidential debates have erupted the issue.

Why is there majority support for the RH? Many strategic and practical reasons should be known and here are the 10 easy ones:
  
   1. Protect the Health and Lives of Mothers- More than 11 mothers die 
        needlessly each day , the World Health Organization (WHO) estimates
        that complications arise in 15%  pregnancies, serious enough to kill or
        hospitalize women.From the 2 million plus live births, some 300,000
        maternal complications occur yearly. Adequate number of skilled
        attendants and prompt referral to hospitals with emergency obstetric
        care are proven to save maternal complications .For women who
        wish to stop childbering, familiy planning is the best preventive
        measures. RH Bill provides 3 of these interventions.

 2. Save babies - Proper birth spacing reduces infant mortality.WHO
       states that at least 2 years spacing should pass between birth and the
       next pregnanacy. In our country , the infant mortality rate of those
       with less than 2 years interval is twice those with three.The more
       effective and user- friendly the Family Planning (FP) method, the greater
       the chances the next child to survive.

  3. Respond to majority who wants smaller families- Couples and 
       women nowadays want smaller families.When surveyed about their
       ideal family size , women in their 40s want slightly more than 3 children
       but those in their teens and early 20s want slightly more than 2 childeren.
       Moreover , couples end up with families larger than they desire.The gap
       between what is desired and actual is present in all social classes and
       regions but biggest among the poor.

  4. Promote equity for poor families- RH indicators show  severe
      iniquities between the rich and the poor. 4 % of women in the richest
      quintile have skilled birth attendant compared to only 26 % in the
      poorest.The rich hardly exceed their planned number of children, while
      the poorest exceeds by 2 and infant deaths among the poorest are
     almost 3 times higher .An RH law will promote equity in health through
     stronger access to public health service more accessible to the poor
     families.

 5. Prevent Induced abortion - Unintended pregnancies precede almost
     induced abortions.Of all unintended pregnancies 68 % occur in women
     with out FP method and 24% happen to those using traditional FP like
    withdrawal or calendar-abstinenece. If all those who want to space or stop
    child bearing would use modern FP, abortions would fall by 500,000 -
    close to 90% of the estimated total. In our country where abortion is strictly
    criminalized and where 90,000 women are hospitalized yearly for
    complications, it would be reckless and heartless not to ensure prevention
    through FP.

 6.Support and Deploy More Public Midwives, Nurses and Doctors-
     RH Bill services are needed whenever people are establishing
     their families.The report of the United Nations Millenieum Development
    Goals (MDG)Task force points out the need for 1 fulltime midwife to
    attend to every 100-200 annual live births. Other health staff are needed  
    for the millions who need prenatal and postpartum care, infant care and
    FP. Investing in these core public health staff will serve  the basic
    needs of many health communities.

7.Guarantee Funding For and Equal Access to Health Facilities - RH
    will need and therefore support the improvement of many levels of
    health facilities. These range from barangay health stations, for
    basic prenatal, infant and FP care, health centers for safe
    birthing, more difficult RH services like IUD insertions and
    management of sexually transmitted infections; and hospitals,
    for emergency obstetric and new born care and surgical
    conception. Strong RH facilities will be the backbone of a strong
    and  fairly distributed public health facility system.

8. Give Accurate and Positive Sexuality Education to Young People -
     Currently most young people enter relationships and even married life
     without the benefit of systematic inputs by any of our social
     institutions.With a result of one just faulty sexual decision, many young
     men and women can lose their future, their health and sometimes their
     lives.We insist on young voter's education for an activity that occurs every
    3 years but leave our young people with little preparation to cope with
    major life events like puberty and sexual maturation.

9. Reduce Cancer Deaths- Delaying sex, avoiding multiple partners or
    using condoms prevent genital warts or HPV infection that cause
    cervical cancers.Self -breast exams and Pap smear can detect
    early signs of cancer which can be cured if treated early. All these are part
    of the RH education and care. Contraceptives do not heighten cancer
    risks; combined pills actually reduce the risk on endomitrial and ovarian
   cancers.

10.Save Money That can be Used For More Social Spending -
     Ensuring modern FP for all who need it would increase spending
     from P1.9 B to P 4.0 B, but the medical costs for unintended
    pregnanacies would fall from P3.5 B to P 0.6 B resulting in the net
    savings of P0.8 B. There is evidence that families with fewer
    children do spend more for health and education.

The participants who attended the consultation conference were provided the right knowledge on the salient features of the bill and now are aware non what stand to make.

As Usec Dorotan said," We don't have to be too self- righteous but believe that government in its desire to provide the best service possible is making its constituency aware and informed so that right choices and stands be made". (PIA-Sorsogon)