SORSOGON PROVINCE (March 16) –Bumaba ng halos ay limampung bahagdan ang suplay ng tubig ngayon sa lalawigan kung ihahambing noong nakaraang taon.
Ito ang ipinahayag ni National Irrigation Administration Provincial Officer In-Charge Servio Manlangit. Aniya, dahilan sa nararanasang El Niño ngayon, bumaba ng 50% ang suplay ng tubig sa lalawigan kumpara noong 2009.
Subalit sinabi nito na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng bawat isa sa pagtitipid sa paggamit ng tubig, tiyak na hindi pa rin magkukulang ang kailangang suplay ng mga mamamayan.
Tiniyak din niya sa mga residente ng Sorsogon na patuloy din ang ginagawang programa ng NIA para sa mga magsasaka kabilang na dito ang pagpapaayos ng mga dam, communal irrigation system at shallow tube well na nakakatulong para mabawasan ang suliraning kinakaharap ng mga magsasaka dito.
Samantala, umapela naman ang Department of Environment and Natural Resources sa mga lokal na residente na magkaisa at magtulungan sa patuloy na pangangalaga at proteksyon ng kalikasan.
Ayon kay PENRO Oscar Dominguez, kahit na nakakaranas pa ng mga pag-uulan dito sa lalawigan ay hindi rin dapat na maging pabaya ang bawat isa ukol sa paglaban sa nararanasang global warming. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment