Monday, July 12, 2010

SORSOGON BAY POSITIBO NA NAMAN SA RED TIDE

tagalog News Release

SORSOGON CITY (July 12) – Matapos ang ilang buwan ng pamamahinga ng red tide sa Sorsogon Bay, muli na namang naging positibo sa paralytic shellfish poisoning ang mga shellfish na makukuha sa look ng Sorsogon dahilan sa red tide.

Ayon sa pinakahuling update ng BFAR na nakasaad sa Shellfish Bulletin N0. 15 na may petsang July 8, 2010, muli na namang naging positibo sa redtide toxin ang Sorsogon Bay ditto sa lungsod ng Sorsogon batay na rin sa tatlong magkakasunod na resulta ng kanilang pagsusuri.

Kaugnay nito muling ipinagbabawal ang pagkuha, pagbibyahe at pagkain ng mga shellfish partikular ang tahong mula sa katubigan ng Sorsogon Bay.

Samantala, nananatili namang positibo sa paralytic shellfish poisoning ang mga sumusunod na katubigan sa bansa: Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Bislig Bay sa Bislig City, Surigao del Sur; Matarinao Bay sa Eastern Samar; at Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Occidental. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)

No comments: