Thursday, August 26, 2010

BIR LAGING HANDANG MAGLINGKOD PROJECT MALAKING KALUWAGAN SA PUBLIKO

Tagalog News

SORSOGON PROVINCE – Naghayag ng malaking kaluwagan sa kanilang ginagawang transaksyon ang mga kliyente ng Bureau of Internal Revenue Sorsogon dahilan sa kanilang Taxpayer’s Service Area na tunay namang handing maglingkod sa publiko mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon ng walang noon-time break.

Ayon sa mga kliyente ng BIR dito, dahilan sa TSA, nakatitipid sila hindi lamang sa oras kundi maging sa gastusin sa kanilang pamasahe dahilan sa pagiging one-stop-shop na rin nito.

Ang TSA ay ipinatutupad sa ilalim ng ‘Handang Maglingkod Project’ (HMP) ng BIR at bilang pagsunod na rin sa Republic Act 9485 o ang Anti-Red Tape Act of 2007.

Dagdag din aniya sa magandang katangian ng TSA ang taxpayer service satisfaction survey na nagbibigay ng ideya sa kanilang tanggapan ng uri ng serbisyong ibinibigay nila sa kanilang mga kliyente.

Sa pamamagitan ng logbook ay maaaring maipaabot sa kanila ng mga kliyente ang kanilang mga reklamo, komento at suhestyon upang higit na mapataas pa ang kalidad ng serbisyho ng BIR.

May mga nakakabit din silang tarpaulin na naghahayag na welcoming at friendly atmosphere ng kanilang tanggapan at mga information materials na maaaring basahin o hingin ng mga kliyente upang mapanatili silang well-informed.

Sinabi din ni Abenoja na kasama ang Sorsogon Revenue District Offcie sa labingsiyam na distrito sa buong bansa na inevaluate kaugnay ng implementasyon ng TSAs, dangan nga lamang at hindi nito naabot ang outstanding standard na itinalaga ng mga evaluators. Subalit tiniyak naman ni Abenoja na hindi man nito nakamit ang parangal ay patuloy pa rin nilang pagagandahin ang TSA ng BIR Sorsogon upang higit pang mabigyan ng satisfactory service ang mga Sorsoganon. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)

No comments: