Tagalog News
SORSOGON PROVINCE (Jan 5) – Sa pamamagitan ng nilagdaang Executive Order No.6 ni Sorsogon City Mayor Leovic Dioneda, umapela siya sa mga paaralan dito sa lungsod ng Sorsogon na isabay sa kanilang curricular at non-curricular activities ang isyu ng climate change.
Nakasaad sa Executive Order na may titulong ”An order Enjoining All Tertiary Levels in the City to Integrate Basic Concepts and Principles of Climate Change on their Curricular and Non-curricular Activities” na mahalagang malaman ng mga estudyante ang kahulugan ng climate change, greenhouse gases at kung paano nangyayari ang global warming.
Mariin ding sinabi ni Dioneda na dapat na maunawaan ng mga mag-aaral ang epekto sa mamamayan, kapaligiran at kabuhayan ng pagbabago ng klima gayundin ang uri ng adaptation at mitigation measures na dapat gawin ng bawat pamilya, eskwelahan, tanggapan at komunidad.
Ayon pa kay Dioneda, ang isyu sa Climate Change ay maaari ding isabay sa iba’t-ibang mga asignatura tulad ng NSTP o ROTC, civil welfare training service, social sciences at maging sa halos lahat ng subjects sa elementary, high school at maging sa mga kolehiyo. (report from SorGuardian)
No comments:
Post a Comment