Tuesday, March 6, 2012

PSR ng DAR aktibo sa pagtupad ng responsibilidad; P40-M kiskisan ng palay ibinigay ng DA sa CABAMUCO

Ni: Bennie A. Recebido

Lungsod ng Sorsogon, Marso 6 (PIA) – Naghayag ng kasiyahan si Provincial Agrarian Reform Coordinating Committee (PARCCOM) Cahirman Vicente Balbedina, Sr. matapos niyang kakitaan ng pagiging aktibo sa kani-kanilang mga responsibilidad at simulan ang taong 2012 ng positibong pagtingin sa kanilang gawain ang mga Provincial Sectoral Representative (PSR) sa lalawigan ng Sorsogon.

Partikular na binigyang-pansin niya sina PSR Rodolfo L. Bonete, Jr. ng sektor ng Agricultural Cooperatives at PSR Myrna Barrameda ng sektor ng Non-Government Organization dahilan sa pagtuon ng mga ito ng kanilang atensyon sa mga oportunidad pangkabuhayan ng pamilya ng mga magsasaka. Tinulungan din ni Bonete ang Capuy Basud Multi-purpose Cooperative (CABAMUCO) sa kanilang kahilingan mula sa Department of Agriculture – regional office na magkaroon ng multi-pass na kiskisan ng palay, na agad namang binigyang-katuparan ng Kagawara ng Agrikultura. Ang nasabing kiskisan ay nagkakahala ng apat na milyong piso.

Sa kasalukuyan ay pinangangasiwaan ni Bonete ang isa pang panibagong mungkahi ng Sorsogon City Hog Raiser Multi-purpose Cooperative sa B-MEG Corporation at sa lokal na pamahalaan ng Sorsogon.

Habang si Barrameda naman ay nakipagnegosasyon na sa Department of Agriculture, ProvincialAgriculture ang Fisheries Council at iba pang mga pribadong sektor kaugnay ng pagsasagawa ng mga pagsasanay ukol sa paggawa ng Swarovski stone accessories, candy making, at paggawa ng pili o coco shells accessories para sa mga kasapi ng Rural Improvement Clubs, isang organisasyon ng mga kababaihan sa kanayunan, upang magamit ng mga ito ang kanilang mga oras sa produktibong paraan.

Samantala, maliban sa mga aktibidad na makakatulong sa mga magsasaka, pinagtutuunan din ng pansin ang ng mga PSR ang ilang mga pangyayaring nagdulot ng negatibong epekto sa mga magsasaka tulad na lamang ng naganap na harassment kamakailan sa Brgy. Binisitahan, Donsol, Sorsogon kung saan dalawang tenant ang pinigilang makapagbungkal ng kanilang lupa at nilagyan pa ng kaartulang “No Tresspassing” ang lugar.

Ang humigit-kumulang sa dalawang ektaryang lupain ay sakop ng Comprehensive Agrarian Reform Program na isang irrigated Riceland.  Ang pangyayari ay agad namang naiulat sa Municipal Agrarian Reform Officer at isang mediation conference ang agad ding iniskedyul nito. (AJA, DAR/BARecebido, PIA Sorsogon) 
 
2nd PARCCOM Meeting. Sorsogon’s Provincial Agrarian Reform Coordinating Committee (PARCCOM) Provincial Sectoral Representative gathered in a meeting on February 29, 2012 to discuss issues and concerns specifically on augmenting livelihoods of Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) farmer-families. (AJA, DAR/BAR PIA Sorsogon)


No comments: