Tuesday, February 16, 2010

tagalog News Release

SORSOGON ARTS COUNCIL NAKIKIISA SA SELEBRASYON NG NATIONAL ARTS MONTH

SORSOGON PROVINCE (February 16) – Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Arts Month ngayong buwan ng Pebrero, pinangunahan ng mga natitirang aktibong kasapi ng Sorsogon Arts Council (SAC) ang serye ng mga radio at TV guestings, interviews at press releases upang maipaabot sa publiko ang mga impormasyon ukol sa Sorsogon Arts Council at sa mga local arts scene ng lalawigan ng Sorsogon.

Ayon kay John Joseph Perez, spokesperson designate ng SAC, itatampok sa pagdiriwang ang 20th Anniversary Program at General Assembly ng Sorsogon Arts Council kung saan bibigyang-pugay ng Community-based Theater Group (CBTG) – Bukawel performing Arts, isang member organization ng SAC, ngayong February 26, ang mga local artists, art patrons, local government officials at maging ang mga bisitang dadalo sa pamamagitan ng mga maiikling palabas at mga sipi mula sa mga dulang sinulat ni Reynaldo “Tootsie” Jamoralin, ang founding chairman ng Sorsogon Arts Council.

Matatandaang ang Sorsogon Arts Council ang siyang nangunguna sa pagtataguyod at pagsusulong ng mga kultura at arteng Sorsoganon, Bikolnon at Pilipino dito sa lalawigan simula pa noong huling mga taon ng dekada otsenta.

Naging partner din ng Sorsogon Arts Council ang Cultural Center of the Philippines at ang National Commission for Culture and the Arts at ang mga lokal na organisasyong tulad ng Kasanggayahan Foundation, Inc., Sorsogon Provincial Tourism Council at ang Sorsogon Museum and Heritage Center, Inc. kung saan member organization ito.

Samantala, kasabay ng pagdiriwang ng National Arts Month, ipagdiriwang din ng Sorsogon Arts Councila ang ika-dalawampung taong foundation anniversary nito kung saan itatampok naman dito ang pagbibigay-pugay sa founding chairman nito dahilan sa malaking ambag nito sa larangan ng sining sa Sorsogon.

"Isasabay din sa pagdiriwang ngayong Pebrero ang proseso ng pagrereorganisa ng mga kasapi, paghahanap ng mga dating records, renewal of registration nito sa Security and Exchange Commission (SEC), pagpapaigting ng samahan sa pagitan ng Cultural Center of the Philippines at National Commission for Culture and the Arts at pagpapatatag pa ng Sorsogon Arts Council bilang organisasyon," pahayag naman ni founding member Isabel Gile.

Kaugnay ng mga bagay na ito ay nanawagan naman si Jane Gamil, ang kalihim ng Sorsogon Arts Council, sa mga dating kasapi o mga in-active members at maging ang sinumang interesadong maging bagong mga kasapi nito na makipag-ugnayan sa kanya sa pamamagitan ng pag-email sa alma_angela.gamil@yahoo.com o kaya’y sa kanyang cp number 09298577417. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)

No comments: