Tuesday, July 6, 2010

RED TIDE UPDATES

Tagalog News Release

SORSOGON PROVINCE (July 6) – Samantala, sa pinakahuling update ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, nananatiling ligtas ang Sorsogon Bay sa lason ng red tide kung kaya’t ligtas ding kainin ang lahat ng mga lamang-dagat na makukuha mula dito.

Maging ang lamang-dagat sa Juag Lagoon sa bayan ng Matnog ay ligtas din sa paralytic shellfish poisoning.

Ayon sa shellfish bulletin no. 14 ng BFAR na may petsang June 25, 2010, ang mga shellfish na lamang sa mga sumusunod na katubigan sa bansa ang positibo sa paralytic shellfish poisoning: Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Bislig Bay sa Bislig City, Surigao del Sur; Matarinao Bay sa Eastern Samar; at Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Occidental.

No comments: