Ni: Francisco B. Tumalad, Jr.
Sorsogon City, April 1 (PIA) – Inihayag ng Commission on Election Sorsogon na magsasagawa sila ng continuing registration at validation sa iba’t-ibang mga tanggapan ng COmelec sa bansa simula sa Mayo a-tres ngayong taon.
Ayon kay Sorsogon City election supervisor Atty. Ryan Filgueras ang validation at registration ay gagawin mula Lunes hanggang Biyernes, alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon, aniya, validation ang gagawin nila sa mga dating botante habang maaari namang magparehistro na ang mga bagong magiging botante.
Kinakailangan diumanong gawin ito upang maisapinal na ang listahan ng mga bagong botante at dating botante sa syudad at probinsya para sa maagang paghahanda sa susunod na eleksyon.
Dagdag pa ni Filgueras na kinakailangan lamang na magdala ang mga ito magpapavalidate at magpaparehistro ng mga kaukulang dokumento upang mapadali ang pagproseso ng kanilang mga aplikasyon.
Hinikayat din niya ang publiko na bumisita rin sa mga pinakamalapit na tanggapan ng Comelec sa kanilang lugar upang malaman ang mga pinakahuling aktibidad, programa o proyekto ng kanilang mga local Comelec. (PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment