Solar Powered Street Light now sa Sorsogon City | . |
Ito ang inihayag ni Sorsoogn City Mayor Leovic Dioneda matapos na tuluyan nang malagyan at simulang gamitin nitong mga nakaraang araw ang mga ilaw na nakadepende sa sikat o liwanag ng araw.
Ayon sa alkalde, dalawampung solar powered lights ang nabili ng city government subalit sampu lamang nito ang inilagay nila sa parke habang ang sampu naman ay napagpasyahan nilang ilagay sa Diversion Road, Maharlika Highway.
Nilinaw ng alkalde na sa ngayon ay experimental pa lamang ito at kung sakaling mapapatunayan talaga nilang malaki ang matitipid sa paggamit nito ay tuluyan na nilang gagamitin ito at unti-unting papalitan ang ilaw sa mga kalsada at pampublikong lugar sa Sorsogon City.
Sinabi pa ng alkalde na ang paggamit nila ng naturang mga ilaw ay bahagi din ng kanilang Climate Change Mitigation at Adaptation program at nais nilang hikayatin din ang publiko, sakaling epektibo ito, na lumipat na rin sa mga solar powered lamps upang makatulong sa pagbabawas ng epekto ng climate change. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment