Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, May 17 (PIA) – Sa pinakahuling
datos na ipinalabas ng National Economic and Developmnet Authority, lumalabas
na noong 2009, ang Gross Regional Development Product (GRDP) ng Bicol ay tumaas sa 8.2 percent,
pinakamabilis na pagtaas sa lahat ng rehiyon sa bansa.
Ayon sa NEDA ang pagtaas na ito ay dahilan
sa mga sumusunod: pagmimina at paghuhukay na tumaas ng 04.6 percent;
construction – 7.6 percent; manufacturing – 1 percent; elektrisidad at tubig –
4.2 percent; at services sector – 41.8 percent.
Sa bahagi ng mga serbisyong pampribado, ang
turismo ay tumaas din sa 7.6 percent; transport at communication services – 4.2
percent; housing at real estate services – 3.9 percent; trade services – 2.8
percent; finance – 9.5 percent; government services – 7 percent; habang ang
agriculture at fishery sector ay tumaas naman sa 4.1 percent.
Lumalabas din na ang per capita GRDP sa
rehiyon ay tumaas mula sa P7,210 noong 2008 sa P7,650 noong 2009. Ang pagtaas
na ito ang dahilan upang mula sa pagiging pangatlo ay umangat ang rehiyon ng
Bicol sa pang-apat sa may pinakamababang per capita GRDP sa buong bansa.
Pagtuloy naman ang pagsisikap ng pamahalaan
na makabuo pa rin ng mga oportunidad upang makapagbukas ng trabaho para sa mga
mamamayan dito. Ayon sa NEDA, naging malaking tulong din ang turismo sa
pagbubukas ng oportunidad sa trabaho dahilan sa pagtaas din ng pangangailangan
sa mga serbisyong tulad ng transportasyon, komunikasyon, kalakalan, hotel,
kainan at iba pang mga personal na serbisyo.
Sa panig naman ng industriya at kalakalan,
ang manufacturing at construction ang may malaking naiambag sa labor sector at
sa pagtaas ng per capita GRDP.
Kaugnay nito, naglabas ang NEDA Bicol ng
mga hamong maaaring kaharapin ng rehiyon tulad ng mga sumusunod: sustinihan ang
mataas at mas komprehensibong pagtaas ng ekonomiya; bigyang atensyon ang
pangangailangan ng mga mahihirap; magbukas ng mga oportunidad para sa trabahong
matatag at may maayos na pasahod; tiyaking may sapat na suplay ng mga
pangunahing pangangailangan at serbisyo; mantinihin ang mababang populasyon at
isulong ang tamang bilang ng kasapi ng pamilya; balanseng paggamit at
proteksyon ng natural na yaman ng lugar at pag-agapay sa pagbabago ng panahon
at tamang paghahanda sa mga kalamidad. (MHatoc/BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment