Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 11 (PIA) –Buo ang naging suporta ng iba’t-ibang mga ahensya ng
pamahalaan dito sa Sorsogon sa iginawang pagbubukas ng limang araw na aktibidad
para sa pagdiriwang ng ika-114 na anibersaryo ng Araw ng Kasarinlan ng
Pilipinas noong Sabado.
Sa
pamamagitan ng isang motorcade ay opisyal na binuksan ang limang araw na
pagdiriwang na magtatagal hanggang sa Miyerkules, Hunyo a-trese. Sinundan ito
ng pagbubukas din ng exhibit ng mga programa at serbisyo ng iba’t-ibang mga
ahensya ng pamahalaan at mga katuwang na organisasyon nito na pawang makikita
sa mga booth na inilagay nila sa Capitol Park.
Dinagsa
din ng mga aplikanteng nagnanais na maging sundalo ang dalawang araw na Qualifying
Exam na ibinigay ng Armed Forces of the Philippines.
Binuksan
din kahapon sa publiko ang Provincial Gymnasium upang mapanood ang laban ng
Pambansang Kamao kung saan umani ng iba’t-ibang mga maiinit na reaksyon ang
naging pagkatalo ni Manny Pacquiao.
Simula
noong Sabado ay dagsa din sa gabi ang mga manonood ng Freedom Concert at the
Park na magtatagal hanggang sa Martes ng gabi, ika-12 ng Hunyo.
Ngayong
araw hanggang bukas ay tatanggap din ang Technical Education Skills and
development Authority (TESDA) ng pre-qualification of scholars kung saan mahigit
sa dalawang libo ang ibinigay na slot sa Sorsogon na nadagdagan pa ayon na rin
sa pangako ni TESDA Secretary General Joel Villanueva sa naging pagbisita nya
sa lalawigan noong nakaraang Abril.
Sisimulan
din ng Civil Service Commission ngayong araw hanggang sa Miyerkules ang
pagtanggap ng Application for Eligibility under Special Laws kung saan sakop
nito ang mga honor graduates sa Kolehiyo, mga barangay official, Barangay
Nutrition Scholars, Barangay Health Workers at yaong mga TESDA Skills
Proficiency Skills Certificate holder. Bukas na rin ang CSC sa pagtanggap ng
mga aplikasyon ng mga nagnanais mag-eksamin para sa Career Professional at
Sub-Prefessional Eligibility.
Positibo
din ang naging feedback ng mga Sorsoganon sa mga aktibidad na ginagawa ng
Department of Trade and Industry tulad ng paglalagay ng Diskwento Caravan,
pagbebenta ng mga natatanging produkto ng Sorsogon at pagsasagawa ng mga
seminar para sa mga Sorsoganon na nagnanais na magbukas ng kanilang sariling
negosyo. (BArecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment