Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Agosto 7 (PIA) –
Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways-Sorsogon 2 District
Engineering Office (DPWH-S2DEO) ang limang preventive maintenance projects nito
na pinondohan ng mahigit sa P35-M.
Ang mga ito ay ang Gate-Bulan Airport Road
na may P4-M pondo na naibigay sa Green Zone Construction and Supply; Preventive
Maintenance ng Daang Maharlika sa Brgy. Bolos, Irosin, Sorsogon na may pondong
P7-M; Preventive Maintenance ng Daang Maharlika sa Brgy. Pange, Matnog,
Sorsogon na may pondong P6.756-M; Preventive Maintenance sa kahabaan ng
Juban-Magallanes Road sa Juban, Sorsogon na may pondong P10-M; at ang
Preventive Maintenance ng Junction Gubat-Pto Diaz Road sa Cogon at Gubat na may
pondong P8.136-M.
Ang apat na mga proyektong nabanggit ay
lahat naibigay sa Hi-Tone Construction and Development Corporation.
Ayon kay District Engineer Jake Alamar,
malaking bahagi ng pondong inilaan sa kanila ngayong taon ay para sa
rehabilitasyon at pagsasaayos ng mga kalsada habang ang ilang bahagi nito ay
inilaan para sa preventive maintenance ng mga kalsada.
Matatandaang bahagi ng mandato ng
administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III ang maayos at epektibong
pagpapatupad ng mga proyekto ng pamahalaan ayon sa nakatalagang work program
nito.
Mahalaga umano ang pagpapatupad ng preventive
maintenance lalo na’t marami na ang mga kalsadang nasisira na ngayon dahil na
rin sa katagalan at sa dami ng mga motoristang dumadaan dito at pagkalantad na
rin sa mga natural na kalamidad. (BARecebido, PIA Sorsogon/HDeri, DPWH-S2DEO)
No comments:
Post a Comment