Thursday, August 9, 2012

OCD V namahagi ng tulong sa mga apektado ng storm surge sa Bicol



LEGAZPI CITY – Namahagi ng non-food relief items ang Office of Civil Defense (OCD) V bilang tulong sa mga pamilyang naapektohan ng storm surge lalawigan ng  Bulan Sorsogon, Masbate, at Libon Albay.

Ilan sa mga naipamahagi ay mga kagamitan para sa araw-araw na pangangailangan tulad ng damit at kagamitan sa pagluluto.

Ayon kay OCD V Operation Division Office Chief Harriet Sison, ang storm surge ay epekto ng bagyong Gener na nanalanta sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas noong Hulyo 29 – Agosto 2 nitong taon.

Karamihan sa mga apektadong lugar ay malapit sa karagatan gaya na lamang ng Bulan sa Sorsogon, Esperanza, Poblacion at Iligan sa Masbate at Makabugos sa Libon Albay.

Kanya ring kunumpirma na umabot sa mahigit 100 apektadong  pamilya sa rehiyon ang nabigyan ng tulong.

Sa lalawigan ng Sorsogon halos 79 na pamilya ang naapektohan kasabay ng naitalang pitong totally damaged at 62 partially damaged na kabahayan.

Kabilang sa mga ipinamahaging non-relief goods sa mga apektado sa Sorsogon ay ang mga sumusunod: 30 set ng mga gamit panluto na nakalagay sa plastic box container, 69 set ng gamit pangkain, 89 piraso ng banig, 62 pirasong thermal blanket, 69 balot ng mga personal na damit para sa mga lalaki, 69 balot ng mga personal na damit para sa mga babae, 69 balot ng mga personal na damit para sa mga bata, 69 balot ng mga personal na damit para sa mga sanggol, 74 pirasong lalagyan ng 5 gallon na tubig at 74 pirasong lalagyan ng 2.5 gallon ng tubig.

Umabot naman sa 30 pamilya o may kaubuuan na 129 katao ang apektado sa Masbate kasabay ang 12 totally damaged at 18 partially damaged na kabahayan. (PIA-RO5)

No comments: