Tuesday, October 9, 2012

UNA at NPC, mga partidong mamamayagpag sa 2013 halalan sa Sorsogon



Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Oktubre 9 (PIA) – Dalawang partido ang mamamayagpag sa darating na 2013 midterm election matapos na tapatan ng United Nationalist Alliance (UNA) ang National Peoples Coalition.

One-on-one ang magiging labanan sa pagka-alkalde sa Sorsogon City matapos na magsumite ng Certificate of Candidacy (CoC) ang anak ni incumbent Sorsogon Governor Raul R. Lee na si Christine sa ilalim ng UNA at ang incumbent City Mayor na si Leovic Dioneda sa ilalim ng NPC.

Bise alkalde ni Christine si former City Vice-Mayor Edmundo Atutubo habang running mate naman ni Dioneda si incumbent City Councilor Ma. Charo Dichoso. Tatakbo din sa pagkabise-alkalde si Atty. Jonathan Balintong bilang independiente.

Nasa walo ang bilang ng mga aspirante sa posisyong City Councilor sa East District, pito sa West District at anim sa Bacon District sa ilalim ng dalawang malalaking partido. Labing-isa dito ay kabilang sa NPC habang ang natitira pa ay nasa ilalim ng linyada ng UNA. Siyam naman ang tatakbong idependiente sa magkakaibang distrito ng lungsod.

Samantala, malaki naman ang kasiyahan ng Castilla Mayor Olive Bermillo maatpos na walang naglakas ng loob na lumaban sa kanya bilang alkalde, habang dalawa naman ang tatakbong bise alkalde sa Castilla na sina incumbent councilor Jesus Agarap at incumbent Vice-Mayor Bong Mendoza.

Sa bayan ng Pilar, one-on-one sina incumbent Mayor Dennis Reyes at Nilo Lobrigo habang kandidato sa pagkabise-alkalde sina Efren Hables, Less De Mesa at Jun-jun Lao.

Tatlo naman ang kakandidatong alkalde sa bayan ng Donsol na kinabibilangan nina Mayor Jerome Alcantara (NPC), Teddy de Guzman (NP) at Pancho Abitria (LP). Vice Mayor naman sina Jean Manrique, Salve Ocaya (NP), Jun-jun Belmonte (NPC), at Melchor Aquino, Jr. (LP).

Sa bayan ng Juban tapatan din ang laban nina dating Juban Mayor Tess Fragata at Cama Alindogan habang kahalintulad naman ang senaryo sa bayan ng Casiguran kung saan maghaharap naman sina Malou Escudero at incumbent Mayor Esther Hamor. (BARecebido, PIA Sorsogon/RB)

No comments: