Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, November 6 (PIA) –
Pumasa ang lahat ng mga itinalagang official driver ng sasakyan ng mga
Municipal Police Station at City Police Station ng Sorsogon Police Provincial
Office (SPPO) sa isinagawang Competency
Assessment ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA).
Ang nasabing mga opisyal na drayber ay makakakuha ng Driving
National Certification (NC ll) mula sa TESDA.
Ang Competency Assessment ay naisakatuparan sa kahilingan na rin
ng Sorsogon Police Provincial Office kaugnay ng pagsasagawa nito ng Pagsasanay
para sa Preventive Maintenance ng lahat ng sasakyan ng PNP kasama na rin ang
pagsasanay para sa Defensive Driving noong Oktubre 30, 2012 sa Camp Salvador C.
Escudero Sr. Sorsogon City.
Naroroon sa aktibidad sina PSupt Angela Q. Rejano, Administrative
Officer ng SPPO upang magbigay ng pambungad na pananalita at si PSupt Robert AA
Morico II, Deputy Provincial Director for Administration upang magbigay naman
ng mensahe at inspirasyon.
Sina Ginoong Ricardo Detecio, Robert Chil at Dante Desuyo ang
nagsilbing kinatawan ng TESDA Sorsogon Field Office at siya ring naging
lecturer at tagapagsanay sa nasabing aktibidad.
Ayon sa mga ito ang Defensive Driving ay ang pagsasagawa ng mga
kaukulang pamamaraan upang maiwasan ang anumang aksidente sa lansangan sa
kabila ng kamalian o paglabag ng ibang motorista at mga tumatawid sa kalsada.
Ang Defensive Driver naman umano ay dapat na tinitiyak na nasa
maayos at ligtas na kondisyon ang minamaneho niyang sasakyan. (BARecebido, PIA
Sorsogon/Photos by SPPO)
No comments:
Post a Comment