Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Disyembre 3 (PIA) – Ipinatawag
ngayon ng Sorsogon Provincial Disaster Risk Management Office (SPDRMO) ang mga
kasapi ng lokal na media sa Sorsoogn para sa isang media briefing kaugnay ng
ginagawang paghahanda ng lalawigan ng Sorsogon sa pagdating ng bagyong “Pablo”.
Ayon kay SPDRMO Chief Raden Dimaano, mahalagang
may iisang impormasyong inilalahad sa publiko ang media nang sa gayon ay hindi
ito magdulot ng panic at kalituhan sa kanila.
Iprinisinta niya ang ilang mga mapang
nagpapakita ng daang tatahakin ng bagyo at ipinaliwanag din niya ang magiging
epekto nito sa Sorsogon.
Aniya, walang signal ng bagyong itinaas sa
Sorsogon at hindi ito direktang maaapektuhan ni bagyong “Pablo” subalit dahilan
sa malawak ang sakop nito, hindi nila isinasantabi ang pag-uulang dadalhin nito
na maaaring magdulot ng mga pagbaha
at pag-agos ng lahar lalo na doon sa limang munisipyo sa palibot ng Mt. Bulusan,
ang Irosin, Bulusan, Juban, Casiguran at Barcelona.
Aniya, nasa 149, 924 na mga residente ang maaaring maapektuhan
sakaling magkaroon ng malakas na pag-agos ng lahar.
Namahagi
din ang SPDRMO ng mga babalang pangkaligtasan at ilan pang mga babasahing makatutulong
sa pagtalakay ng media para sa kahandaan ng publiko. (BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment