Tuesday, March 26, 2013

Comelec magsasagawa ng PCOS Machine Orientation Seminar sa mga guro na magsisibi sa eleksyon 2013



Ni: FB Tumalad

LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 25 (PIA) – Bilang preparasyon sa nalalapit na National Election sa Mayo 13, 2013 ay inihahanda na rin ng Commission on Election (Comelec) ang mga gurong itatalaga sa mga voting precinct sa pamamagitan ng pagbibigay oryentasyon sa mga ito.

Kahapon ay isinagawa ang PCOS Orientation Seminar Vera Mariz sa Bayan ng Gubat, Sorsogon upang ituro sa mga guro ang tamang paggamit at operasyon ng PCOS Machine.

Ayon kay Comelec Sorsogon Provincial Election Supervisor Atty. Calixto Aquino Jr. tutuon ang oryentasyon sa general guidelines na binuo ng Comelec na siyang susundin ng mga guro sa darating na halalan sa Mayo 13, 2013. Ito umano ang magsisilbing gabay ng mga guro sa mga alituntunin dapat gawin bago, sa mismong araw, at pagkatapos ng botohan.

Dagdag pa ni Atty. Aquino na abala na rin ang lahat ng mga Board of Election Inspector Supervisor sa buong Sorsogon na siyang mangangasiwa at aasiste sa naturang seminar.

Obserbasyon ng ilang mga guro sa lungsod ng Sorsogon na halos ay pinili din yaong mga bata pa sa kanilang distrito na sumailalim sa nasabing oryentasyon.

Pagkatapos ng unang batch kahapon ay ipagpapaliban ito ng siyam na araw upang bigyang-daan ang obserbasyon ng Semana Santa at pagkatapos ay muling ipagpapatuloy ito sa Abril 4 -11, 2013.

Tiniyak din ng Comelec na tatanggap ng honorarium ang bawat guro na dadalo sa nasabing oryentasyon. (FB Tumalad, PIA Sorsogon)

No comments: