Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG
SORSOGON, Hulyo 1 (PIA) – Opisyal nang binuksan kaninang umaga ang obserbasyon
ng National Disaster Consciousness Month ngayong buwan ng Hulyo sa pamamagitan
ng isang banal na misa at motorcade sa kahabaan ng pangunahing lansangan ng
Sorsogon.
Ang
pambungad na aktibidad ay dinaluhan ng mga hepe at empleyado ng provincial
Government, kasapi ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council
(PDRRMC), Government Owned and Controlled Corporation (GOCC), State College at
National Line Agencies (NGAs).
Tema ng
National Disaster Consciousness Month ngayong taon ang “Ligtas na Bayan,
Maunlad na Pamayanan”.
Ayon kay
PDRRMO Department Head Raden Dimaano, ilang mga aktibidad ang nakatakdang
isagawa nila at ng iba pang mga local DRRMCs ngayong buwan ng Hulyo alinsunod
sa implementasyon ng RA 10121, at iba pang mga kaganapan kaugnay ng Climate
Change Adaptation (CCA) at ng DRRM.
Bukas ay
nakatakdang magsagawa ng DRR-CCA Consultation kung saan dadaluhan ito ng mga
kinatawan mula sa Department of Education, Commission on Higher Education,
Department of Labor and Employment, Chamber of Commerce at Bankers Association.
Kaugnay ng
pag-upo ng mga bagong alkalde sa ilang mga bayan sa Sorsogon, magsasagawa din
ang PDRRMC ng serye ng courtesy call sa mga ito.
Sa Hulyo
6, 13, 20 at 27, 2013, magkakaroon din ng Film Showing tuwing alas syete ng
gabi sa Sorsogon City Park, habang sa Hulyo 9, 11, 16, at 18, 2013 ay gagawin
naman ang DRR-CCA Symposium sa mga malalaking paaralan sa lungsod.
Nakatakdang
ding mamahagi ng Information, Education and Communication (IEC) materials ang
mga component Local Government Units (LGUs) at magsagawa ng Earthquake Drill
Simulation sa City Hall.
May ilan
ding mga briefing at orientation seminar na gagawin kaugnay ng Automated
Weather Station (AWS), Automated Rain Gauge (ARG) at DRR Preparedness and
Response sa mga GOCC, NGA, business establishment at iba pang institusyon.
Sa
pagtatapos ng National Disaster Consciousness Month, isang Water Search and
Rescue (WASAR) Demonstration ang ipapakita sa publiko na gaganapin sa Sorsogon
Bay. (BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment