Ni: Francisco B. Tumalad, Jr.
LUNGSOD NG SORSOGON, Oktobre 7 (PIA)- Patuloy sa pag-iikot sa karagatan ng Burias at Ticao
Pass sa Bikol ang grupo ng Greenpeace, isang internasyunal na organisasyong
nangangalaga sa mga karagatan at kalikasan sa pakikipag-ugnayan sa mga
ahensyang nasyunal at lokal na opisyal na sumasakop sa naturang lugar upang
pag-usapan ang mga batas pangkaragatan
at mga alituntuning nakapaloob sa ordinansa
upang tuluyan nang matigil ang illegal na pangingisda.
Matatandaang ang operasyon ng Greenpeace sa Asya ay nagsimula
noong taong 2000, nanguna ito sa matagumpay na
kampanya sa rehiyon sa pagbabawal sa importasyon ng mga mapanganib na basura sa
ating bansa.
Kabilang
sa kampanya ng Greenpeace ay ang pagbabawal sa malawakang pagtotroso, pagpigil
sa paggamit ng mga waste incinerators at
coal power plants at pagsusulong sa sustenableng agrikultura .
Aktibo
rin ang kampanya ng Greenpeace upang maprotektahan ang mga antigo at matatanda
ng kagubatan at makalikha ng malinis na kalikasan at ligtas
sa kemikal sa hinaharap.
Ayon kay Greenpeace Ocean Campaigner Vince
A. Cinches, nakikipag-ugnayan sila sa mga lokal na opisyal upang talakayin ang
pagpapalakas ng implementasyon ng Fishery Code sa kani-kanilang mga nasasakupan
nang sa gayon ay maparusahan ang mga lumalabag sa batas pangisdaan.
“Magsasagawa din kami ng dalawang buwan na pag-iikot
sa Burias at Ticao Pass upang paigtingin pa ang kampanya laban sa illegal na
mga aktibidad sa lugar, kasama rin nila dito ang Bureau of Fisheries and
Aquatic Resources (BFAR) at Bantay Dagat,” ayon pa sa kanya.
Suporta din umano ito sa panawagang “All
Out War” ni Sorsogon Governor Raul R. Lee laban sa mga gumagamit ng pangulong
na nakakasira sa mga yamang dagat partikular ng Sorsogon.
Noong Hulyo 20 ngayong taon ay
pinangunahan ng mahigit sa 30 Greenpeace Volunteers ang isinagawang “Lakbay
Aral Patungo sa Sustenableng Pangisdaan” sa Donsol, Sorsogon. (FB Tumalad, PIA
Sorsogon)
1 comment:
https://www.birimza.org
birimza kampanya
Post a Comment