Friday, February 8, 2013

DENR Bicol positibo sa magigin resulta kan Biodiversity Partnerships Project


SYUDAD NIN LEGAZPI, Pebrero 8 – Positibo an Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol na dulong mapapakusog an inisyatiba sa biodiversity conservation kan gobyerno kasunod kan pagsasaro kan DENR saka Department of Tourism (DOT). An programa inaapud naBbiodiversity Partnerships Pproject (BPP)  na piglansar kan naka-aging Disyembre.

Sa paagi kan sarong kontrata o Memorandum of Agreement (MOA) sa tangan kan DENR buda DOT katakod kan National Convergence Initiative ni Presidente Aquino, ipapaseguro kan duwang ahensya na an mga bantog na mga ecotourism sites an mga buhay layas o wildlife digdi mapapangatamanan.

Nagtutubud si Regional Executive Director Gilbert Gonzales na dahilan ta kadakul na mga ecotourism sites sa bikol enot an rehiyon na makakakuang benepisyo sa siring na lakdang.

Saiyang sinabi na mapakusog an proteksyon sa Bulkan Mayon, sa Albay; sa mga Butanding sa Donsol, Sorsogon; mga danay na kadagatan sa Masbate; o kaya sa mga magagayon na isla kan Caramoan sa Camarines Sur.

Tinawan nin doon ni RED Gonzales na an pagpangataman kan mga biodiversity sites na nakaka-padagka nin mga turista lokalman o dayuhan, iyo an mataong dalan sa sustenableng turismo. (Ruby Mendones, DENR/RPAO/PIA Sorsogon)

SPES registration naka-iskedyul na sa susunod na linggo



Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Pebrero 8 – Magisismula nang tumanggap ang Public Employment Service Office ng  pamahalaang panlalawigan ng Sorsogon katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mga aplikante para sa Special Program for the Employment of Student (SPES) o mas kilala sa tawag na Summer Job 2013.

Sinabi ni Prov’l PESO Manager Lorna Hayag, na sa Pebrero 12 at 13, 2013 nila itinakda ang petsa para sa rehistrasyon ng mga kwalipikadong estudyante, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon sa tanggapan ng PESO, 2nd floor, Capitol Building, Sorsogon City.

Sinabi ni Hayag na dapat high school graduate ang aplikante at edad 25 gulang pababa at naka-enroll ngayong school year.

Aniya, wala din dapat na anumang scholarship grant na natatanggap ang mag-aaral sa panahon ng pag-aplay nya sa SPES at nasa P36,000 pababa ang kita ng mga magulang nito.

Binigyang-diin rin ni Hayag na walang mga rekisitos na kailangang dalhin ang mga estudyanteng aplikante para sa gagawing rehistrasyon.

Sa Pebrero 20, 2013 naman nakatakdang ipaskel ang mga mapipiling kwalipikadong SPES registrant, habang sa Marso 8, 2013 naman sa Sorsogon provincial Gymnasium gagawin ang raffle draw para sa pagpili ng mga makukuhang SPES grantee.

Magsisimula ng kanilang summer job ang mga masu-swerteng mapipili sa Abril 1hanggang sa Abril 29, 2013.

Ang SPES ay bahagi ng programa ng pamahalaan upang matgulungan ang mga mahihirap subalit dedikadong mga estudyante na makahanap ng mapagkakakitaan ngayong summer at makapagtapos ng pag-aaral. (BARecebido, PIA Sorsogon/PESO)

SSS President at CEO bumisita sa Sorsogon


SSS CEO Emilio De Quiros, Jr. (worldfolio.co.uk)
Ni: FBTumalad, Jr.
 
LUNGSOD NG SORSOGON, Pebrero 8 (PIA) – Isa sa mga naging adyenda ng ginawang pagbisita kamakailan sa lunsod ng Sorsogon ni Social Security System President at Chief Executive Officer Emilio De Quiros, Jr. ay ang pagtatasa ng itinayong tanggapang  pag-aari ng SSS sa Brgy. Guinlajon, Sorsogon City at masuri kung accessible ba ito para sa mga kasapi at kliyente nito.

Base sa pag-aaral ni De Quiros, ang anim na kilometrong layo o distansya ng itinayong gusali ng SSS mula sa bisinidad ng lungsod ng Sorsogon ay maaring makaapekto  sa transakyong gagawin ng kanilang mga regular na miyembro lalo na rin umano sa mga matatandang pensioner.

Lumalabas din sa assessment ni De Quiros na talagang may kalayuan ang Guinlajon sa kabisera ng Sorsogon City kung kaya’t  nagdesisyon ito na huwag munang ituloy ang planong paglilipat ng lugar bagkus ay pag-aralan pa kung paaanong mas magiging accessible o di kaya’y maghanap ng  lugar na malapit sa sentro na madaling matukoy ng publiko.

Pinag-aralan na din umano nila ang ilang hinaing ng mga pensioner tulad ng pagtataas ng pension o benepisyo nito.

Sa kaugnay na balita, ipinaliwanang naman ni Alberto Bonafe Jr. Branch Head ng SSS-Sorsogon kung gaano kabagal ang pag-proseso ng mga death claims na ipinapadala nila sa lungsod ng Naga kung saan inaabot ito ng halos ay mahigit isang buwan.

Subalit ngayong binago na ng SSS Central Office ang sistema na lahat ng mga claims ay direkta na nilang ipapadala sa Maynila sa pamamagitan ng internet ay positibo silang mas mapapabilis na ang pagpoproseso ng mga claims.

Sinabi din ni Bonafe sa mga miyembro na hindi na rin sila nag-iisyu ng tseke sa mga pensyonado sapagkat awtomatiko na itong ipinapasok sa kani-kanilang savings account. (FB Tumalad, PIA Sorsogon)

Thursday, February 7, 2013

Cash Reward ibibigay sa mga rebeldeng susuko na may dalang armas


LUNGSOD NG SORSOGON, Pebrero 7 (PIA) – Limampung libong piso (P50,000) ang ibibigay na reward ng Philippine Army sa sinumang rebeldeng susuko na may dalang armas.

Ito ang ipinalabas na impormasyon ni 903rd Brigade Commander Colonel Joselito Kakilala bilang bahagi ng programa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng “Balik-Baril Program” ng pamahalaang nasyunal.

Kaugnay nito, muling nanawagan si Col Kakilala sa mga tumlikod sa pamahalaan at namundok na magbalik-loob na sa pamahalaan upang mabigyan ng pagkakataon ang kanilang mga sarili na mamuhay ng normal at mapayapa kasama ang kanilang mga mahal sa buhay at maging kapaki-pakinabanang sa komunidad.

Ipinayo din ng opisyal sa mga ito na huwag nang magdalawang-isip pa bagkus ay agad na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay o sa 903rd Brigade na nakabase sa Brgy Poblacion, Castilla, Sorsogon, o di kaya’y magtext o tumawag sa hotline number 09998025021 o kaya sa 31stIB na nakabase sa Brgy Juban, Sorsogon na may hotline number 09175581317. (Capt MPPanesa, PA/BARecebido, PIA Sorsogon)

Women’s vote needed for pro-women legislation



MANILA, Feb. 5 -– The establishment of a "women's vote" in the Philippines could push Congress to make more laws favorable to women in the country.
“There is no 'women's vote' in the country despite a huge number of women voters,” said Aida Santos Maranan, co-founder of the women's organization WeDPro.

Maranan was guest during the second episode of the Paghahanda Para Sa Hatol ng Bayan aired over People's Television Network today.

She said there is no women’s vote in the country because women do not vote as a sector. “Legislation would be women-friendly if they did,” Maranan said. This will result in laws that uphold their welfare.

Maranan lamented that candidates -- especially those running for national posts -- have no clear platforms for the advancement of women.

This explains the low number of gender-specific bills filed in the Senate and House of Representatives, she said.

She said gender roles also impact on the political role of women. Based on a study, she said, there are more women running for barangay, rather than city or national, positions. “It is easier for them to get votes from neighbors,” she said. “It would be difficult for them to campaign away from their homes as they need to take care of children.”

A presence of women's vote in the political arena would be easy to recognize, she said. “Political parties will by then know that women voters can make or break them.”

Filipino women have gone a long way since 1937 when the Philippines, then a Commonwealth, granted women the right to vote in a special plebiscite on April 30 that year.

Ninety percent of voters favored the bill in the National Assembly granting women the right to vote and be voted on -- in compliance with the 1935 Constitution.

Since then, the rise of women in Philippine politics may have been, according to political analysts, slow, but the movement has been steady -- many winning their spurs largely in the barangay and town levels.
 
But four years after the 1937 plebiscite, Elisa Rosales Ochoa of Butuan, a licensed nurse, made history for women when she became the first woman to be elected member of the House of Representatives, representing Agusan.

In the national elections on Nov 11, 1947, social worker and educator Geronima Tomelden Pecson of Lingayen, Pangasinan notched another honor for Filipino women when she landed third among eight senators chosen for the Senate.

A full 76 years later, women not only count among the voters but many are now up to be voted on in the different levels of the political ladder -- from the Senate down to the barangay kagawad level. (PNA-Media Ng Bayan)

Comelec, DENR muling nagpaaala sa paglalagay ng campaign paraphernalia at iba pang alituntuning dapat sundin sa Halalan 2013


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Pebrero 7 (PIA) – Sa pagsisimula ng panahon ng kampanya para sa darating na halalan sa Mayo, muling nagpaalala ang Commission on Election (Comelec) sa mismong mga kandidato at suportador nito na mahigpit na sumunod sa mga alituntuning pinaiiral ng Comelec ukol sa paglalagay o pagdidikit ng mga campaign paraphernalia.

Ayon kay Comelec Sorsogon Election Supervisor Atty. Calixto Aquino, may mga itinalagang common poster area na maaaring pagdikitan ng mga campaign paraphernalia at dapat na alam ng mga kandidato at suportador ito.

Maging ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay nanawagan na iwasan ang pagdidikit ng mga campaign paraphernalia sa kung saan-saan lalo na sa mga kahoy. 

Binigyang-diin ng DENR na ipinagbabawal ng batas ang pagdidikit o pagpapako ng mga campaign posters sa mga puno ng kahoy sa ilalim ng Section 23 ng Comelec Resolution 7767 alinsunod sa itinatakda ng Republic Act 9006 o Fair Election Act.

Ayon pa sa DENR, nadiskubre nila na biglaang tumataas ang bilang ng impeksyon sa mga kahoy lima hanggang anim na buwan matapos ang eleksyon dala ng mga sugat na tinatamo nito sanhi ng mga pako at staple wire.

Maliban sa paglalagay ng mga campaign paraphernalia, may iba pang mga alituntuning dapat sundin at tandaan ang lahat ng sangkot sa gaganaping halalan ngayong Mayo 2013 tulad ng mga sumusunod: pagbibitbit ng lahat ng uri ng armas na nakakamatay at pagtatalaga ng mga security personnel maliban doon sa mga pinahintulutan ng Comelec.

Ipinagbabawal din ang ang pagtatalaga ng mga confidential speial agent, paglikha ng anumang reaction forces, strike forces at ano pa mang puwersa o grupong maaaring magdala ng kaguluhan, pagbabawal sa pagbura ng mga nakatalang presinto, paglikha ng bagong posisyon, pagkuha ng bago at paglilipat ng mga manggagawa sa serbisyo sibil, pagpapagawa ng pampublikong proyekto, at pagtanggap ng mga manggagawa ng mga pamahalaan ng anumang donasyon maging pera man ito o kusang loob na bigay ng sinumang opisyal o kandidato.

Higit sa lahat dapat na igalang ang Huwebes at Biyernes Santo sapagkat ipagbabawal ang pangangampanya sa mga panahong ito.

Magsisimula ang panahon ng kampanya sa darating na Pebrero 12 hanggang Mayo 11, 2013 para sa mga senador at party list group habang Marso 29 hanggang Mayo 11, 2013 para sa mga congressman at mga opisyal ng probinsya, lungsod at munisipyo. (BARecebido, PIA Sorsogon)