Thursday, February 7, 2013

Cash Reward ibibigay sa mga rebeldeng susuko na may dalang armas


LUNGSOD NG SORSOGON, Pebrero 7 (PIA) – Limampung libong piso (P50,000) ang ibibigay na reward ng Philippine Army sa sinumang rebeldeng susuko na may dalang armas.

Ito ang ipinalabas na impormasyon ni 903rd Brigade Commander Colonel Joselito Kakilala bilang bahagi ng programa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng “Balik-Baril Program” ng pamahalaang nasyunal.

Kaugnay nito, muling nanawagan si Col Kakilala sa mga tumlikod sa pamahalaan at namundok na magbalik-loob na sa pamahalaan upang mabigyan ng pagkakataon ang kanilang mga sarili na mamuhay ng normal at mapayapa kasama ang kanilang mga mahal sa buhay at maging kapaki-pakinabanang sa komunidad.

Ipinayo din ng opisyal sa mga ito na huwag nang magdalawang-isip pa bagkus ay agad na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay o sa 903rd Brigade na nakabase sa Brgy Poblacion, Castilla, Sorsogon, o di kaya’y magtext o tumawag sa hotline number 09998025021 o kaya sa 31stIB na nakabase sa Brgy Juban, Sorsogon na may hotline number 09175581317. (Capt MPPanesa, PA/BARecebido, PIA Sorsogon)

No comments: