Tuesday, May 25, 2010

MGA TEKNOLOHIYANG PAMPANGISDAAN TINALAKAY SA DALAWANG ARAW NA FISHERIES FORA

Tagalog News Release

SORSOGON PROVINCE (May 26) – Naging matagumpay ang isinagawang Provincial Fisheries Technology Fora noong nakaraang Huwebes at Biyernes sa bayan ng Prieto Diaz, Sorsogon.

Kinapalooban ito ng pagtalakay sa iba’t-ibang mga teknolohiyang pampangisdaan na makatutulong upang maiangat ang kabuhayan ng mga mangingisda sa kabila ng nararanasang pagbabago ng temperatura hindi lamang sa Sorsogon kundi maging sa buong mundo.

Ilan sa mga teknolohiyang ito ay ang induced breeding of hito, breeding and culture of pangasius, mangrove aquaculture o aqua-silvi, abalone culture and breeding, at ang polyculture method ng alimango, grouper at tilapia sa brackish water.

Tinuruan din ang mga kalahok ng freshwater aquaculture tulad ng tilapia culture sa mga tangke at fishpond at ulang culture.

Aktibong nakilahok at naghayag ng interes ang mga Agricultural Technicians mula sa iba’t-bang mga bayan sa lalawigan pati na rin ang mga Municipal Agriculturists sa Sorsogon.

Naging panauhin at nagbigay ng mga mahahalagang mensahe sa nasabing aktibidad ang mga kinatawan mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources national at regional office na kinabibilangan nina Filipina Gojar, coordinator ng National Fisherfolks Operations Center, Ginalyn De Leon ng National Anti-Poverty Commisssion, National Fisherfolk Director Ronaldo Paglicawan at ni Chief Fisheries Extension Training Division ng BFAR Regional Office V Melchor Deramas. Naroroon din ang national at regional fisherfolk representatives bilang mga facilitators.

Ang dalawang araw na fora ay isinagawa sa bayan ng Prieto Diaz, Sorsogon bilang pagkilala na rin sa tagaroong si Romen Diones, ang nakaupong Regional Fisherfolk Director ngayong buwan ng Mayo, 2010. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)

No comments: