Thursday, June 17, 2010

2nd QUARTER MONITORING ACTIVITY NG BMGMMT

Tagalog News Release

SORSOGON PROVINCE (June 17) – nagpapatuloy sa ngayon ang tatlong araw na monitoring activity ng mga kasapi ng Bacon-Manito Geothermal Multi-Partite Monitoring Team (BMGMMT).

Bahagi ito ng quarterly monitoring kung saan tinitiyak ng BGMMT na sumusunod pa rin sa itinakdang standard ang operasyon ng Bacon-Manito Geothermal Production Project (BMGPP).

Ayon kay Provincial Environment and Natural Resources Officer Oscar Dominguez ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), kabilang sa kanilang mga aktibidad ay ang air and water quality sampling, health safety procedures, watershed and forest protection kasama na ang law enforcement at pagsasagawa ng Information and Education Campaign sa mga nasasakupan nitong lugar.

“Kasama din sa aming monitoring ang socio-economic impact na dala ng Bac-Man geothermal project sa mga host communities nito tulad ng Brgy. Sto Niño at Osiao sa Bacon District, Sorsogon Bay, Brgy. Rizal, Cawayan River at Tanawon area na pawang nasa lungsod ng Sorsogon.

Nakatakdang iprisinta ang sectoral reports ukol sa kanilang mga obserbasyon at findings bukas, June 18. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)

No comments: