Monday, September 6, 2010

ILANG PAALALA UKOL SA PAG-IWAS SA KRIMEN

MGA DAPAT TANDAAN NG MGA KABATAAN UKOL SA PAG-IWAS SA KRIMEN

Ang pinakamabisang sandata laban sa krimen ay ang pag-iwas ditto. Alalahanin ang mga sumusunod:

• Huwag tatanggap ng imbitasyon o regalo galling sa mga hindi kilala o hindi lubusang kilalang tao;
• Dumiretso agad sa bahay pagkatapos ng klase, huwag nang magbabad sa eskwela kung hindi rin lang kailangan;
• I-report agad sa mga kinauukulan ang mga taong may kahina-hinalang mga kilos;
• Kapag manonood ng sine, pupunta sa park, o malalayong lugar, siguruhing may kasama palagi;
• Ipaalam sa inyong magulang o sinumang kasama sa bahay kung saan ang tungo ninyo upang madali kayong hanapin sa oras na kayo ay kailangan;
• Ang alak, tulad rin ng ipinagbabawal na gamut ay nakasisira sa inyong katawan at isipan. Ang pag-inom ng alak at pagsusugal ay mga bisyong malapit sa masasamang element at gulo. Iwasan ang mga ito; at
• Iwasan ang madidilim na lugar. Dito madalas maganap ang mga krimen.


PAG-IWAS SA NAKAWAN SA INYONG LUGAR

Sa panahon ngayon, usong-uso ang nakawan. Nasa pag-iingat ng may bahay ang kaligtasan ninyong mag-anak at kasangkapan.

Community Involvement

• Ang pagtutulungan ng mga magkakapitbahay at mabuting pamumuno ay mabisang paraan sa pagsugpo ng nakawan sa isang lugar;
• Dapat magkaroon ng regular na pulong o miting ng mga magkakapitbahay upang makapagpalitan ng mga kuru-kuro kung paano ang gagawin upang ma-counteract ang modus operandi ng mga magnanakaw;
• Ang mga homeowners ay maaaring mag-grupo ng 3-4 na katao upang magronda sa gabi sa takdang oras at lugar;
• Kung may krimeng nagaganap, ang mga volunteers ay hindi dapat makialam kundi dapat nilang ipagbigay alam ito sa pulisya. Maaari ring ipagbigay alam sa mga kapitbahay sa pamamagitan ng pag-iingay o paggawa ng ingay na napagkasunduang senyas; at
• Kung ang nagroronda ay kaunti lamang, importante na lihim ang oras at lugar ng kanilang pagrororndahan maliban lamang sa pinuno ng grupo at iba pang volunteers.


PAG-IINGAT SA SARILING BAHAY

Walang mangyayari kung tayo ay matataranta o masisindak sa oras ng krisis. Tandaan ang mga sumusunod sa oras ng pangangailangan:

• Isulat sa tabi ng telepono ang mga numero ng pinakamalapit na istasyon ng pulis, ospital at nakapaligid na kapitbahay;
• Turuan ang mga bata kung paano tumawag sa pulis sakali mang may taong kahina-hinala ang ikinikilos at umaali-aligid;
• Makatutulong na hingan ng police clearance ang mga nag-aaplay bilang katulong o drayber sa inyong bahay. Makabubuti kung ang tauhan ay rekomendado ng kamag-anak o kaibigan;
• Maglagay ng peepholes sa pintuan upang malaman kung sino man ang bisita;
• Huwag basta-basta magpapapasok ng di-kilala sa inyong bahay. Kung hindi sigurado sa bisita, doon lamang sa gate ito kausapin’
• Ang mamahaling alahas ay hindi dapat itinatago sa bahay kundi sa bangko;
• Kung sakaling mga abta lamang ang maiiwan sa bahay, siguraduhing may mga ilaw na bukas upang sa ganon ay maging maliwanag ang bahay at magmukhang may tao; at
• Bago matulog, siguraduhing nakakandado ang lahat ng pintuan at bintana; ang mga sinampay ay di dapat iniiwan sa sampayan ng buong gabi.


KUNG ANG MAGNANAKAW AY NAKAPASOK NA SA INYONG BAKURAN

• Tumawag kaagad sa pulisya;
• Tandaan ang hitsura, damit at iba pang palatandaan sa katawan ng magnanakaw na maaaring gamitin sa pagkilala sa kanya;
• Ang pag-iingay ay maaaring ikatakot o ikagalit ng magnanakaw; at manatiling mahinahon.


MAHALAGANG PAALALA

Paggamit ng Telepono

Maraming magnanakaw ang gumagamit ng telepono upang makakuha ng impormasyon sa bahay ng pagnanakawan nila. Tandaan ang mga sumusunod:

• Ang sinumang sumagot ng telepono ay hindi dapat magbigay ng kahit na anong impormasyon maliban na lamang kung talagang kakilala ang tumatawag; at
• Huwag magpapahiwatigna nag-iisa lamang sa bahay o walang naiiwan sa bahay sa anumang takdang oras.


KUNG AALIS NG BAHAY

• Siguraduhing sarado ang mga bintana at pintuan;
• Kung walang maiiwan sa bahay, makiusap sa kapitbahay na tingnan-tingnan muna ang inyong bahay;
• Kung sa gabi kayo aalis at walang maiiwan, iwanang bukas ang ilaw para magmukhang may tao;
• Itago nang maigi ang susi ng inyong bahay; at
• Hangga’t maaari ay mag-alaga ng aso/mga aso sa paligid. Ang tahol ng aso ay maaaring magsilbing babala o hadlang.


HOLD-UP/ SLASHERS/ PICKPOCKETEERS

Kung kayo ay nasa labas ng bahay, mag-ingat sa bag slashers, hold-upers, drug addicts at iba pang masasamang elemento. Magiging ligtas ka sa panganib kapag ginawa mo ang mga sumusunod:

• Iwasang magdala ng malalaking halaga ng pera o magsuot ng mamahaling alahas;
• Sa gabi, maglakad lamang sa maliwanag na lugar;
• Kung nag-iisa, pakiramdaman kung may sumusunod sayo. Magtungo kung saan maraming tao kapag naramdaman ang panganib;
• Maging maagap sa mga bag snatchers; mag-ingat sa mga sasakay sa jeep lalo na yung mga grupo ng 3 o 4 na pumupwesto sa likod ng drayber, tabi sa estribo at sa loob ng jeep;
• Huwag lalaban sa mga hold-uper; sundin ang kanilang mga pinag-uutos; maging mahinahon at tandaan ang kanilang mga mukha at kung saan sila tumungo pagtakas;
• Bago sumakay ng taxi, isulat ang numero nito at ang pangalan ng drayber at ibigay sa kamag-anak o kasama na naghatid sa inyong pagsakay; at
• Huwag basta na lang makikisakay sa hindi kakilala o di-lubusang kakilalang tao.


(Philippine Information Agency Tips in support to the observance of National Crime Prevention Week)

No comments: