(Tagalog News Release)
SORSOGON PROVINCE (Sept 15)– Walang dapat na ikabahala ang mga anak ng benepisyaryo ng Agrarian Reform Program sapagkat ipagpapatuloy pa rin ng Department of Agrarian Reform ang libreng pag-papaaral nito sa kolehiyo kahit ipinatigil na ang dating PDMASP o ang President Diosdado Macapagal Agrarian Scholarship Program.
Ayon kay Provincial Agrarian Reform Officer Roseller Olayres, hangga’t may kwalipikadong mga anak ng agrarian reform beneficiaries ay matatamasa pa rin nito ang pagiging agrarian scholars sa ilalim ng proyektong ”Programang Agraryo Iskolar (PAI)” na pitong taon na ring ipinatutupad ng pamahalaan para sa mga anak ng maralitang magsasaka.
Sa kasalukuyan, ayon kay Olayres ay mayroong dalawampung agrarian scholars ang DAR Sorsogon na nagtatamasa ng libreng edukasyon sa kolehiyo.
Anim dito ay kumukuha ng kursong Bachelor of Agricultural Technology habang ang iba pa ay kumukuha ng mga kursong Bachelor of Science in Agriculture, Bachelor of Science in Agricultural Development, Bachelor of Science in Veterinary Technology, Bachelor of Science in Mechanical Engineering, Bachelor of Secondary Education at Bachelor of Technology.
Ayon naman kay Antonino Labrador, Provincial PAI Coordinator ng Sorsogon, kumpara sa Pres. Diosdado Macapagal Scholarship na nagbibigay ng pitong-libong piso sa bawat iskolar, ang Programang Agraeryo Iskolar ay nagbibigay ng pitong-libo, pitong-daan limampung piso bawat semestre sa mga iskolar, kung saan dalawang-libo nito ay para sa matrikula, pitong-daan limampung piso para sa book allowance at limang-libo bilang stipend ng bawat iskolar o di kaya’y pandagdag sa pangmatrikula.
Kaugnay nito, umaasa si Labrador na pagbubutihin ng mga iskolar ang kanilang pag-aaral, mamantinihin o di kaya’y lalagpasan pa ang 80% average na marka at susunod sa mga patakaran ng mga paaralang kanilang pinasukan.
Malaki naman ang pasasalamat ng mga agrarian reform beneficiaries dahilan sa pagpapatuloy pa ng scholarship program na ito na ayon sa kanila’y talaga nnilang mga anak.amang malaki ang naitutulong sa kanila upang mabigyan ng pormal at magandang edukasyon ang kanilang mga anak. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment