Ni: Bennie A. Recebido
Sorsogon City, April 11 (PIA) – Anim na mga bayan dito sa lalawigan ng Sorsogon ang iminumungkahing minahin ng dalawang mining firms dahilan sa malaking mining potentials ng mga ito.
Ayon kay Olven Guemo ng LGU – Provincial Environment and Natural Resources Office, matagal nang nagsumite ang Peniel Resources Mining Corporation ng Greenhills, San Juan City ng aplikasyon para sa exploration permit ng magnetite sand at iba pang kahalintulad na mga mineral sa tatlumpong siyam na mga barangay sa munisipalidad ng Bulan, Matnog, Sta Magdalena at Bulusan, lahat dito sa Sorsogon, at ang UBS Marketing Corporation ng Quezon City upang makakuha ng mineral agreement para sa exploration, development at utilization ng pumice stone, pumicite at iba pang non-metallic minerals sa labingwalong mga barangay sa bayan ng Gubat at Casiguran, dito rin sa Sorsogon.
Subalit, ayon kay Guemo, patuloy pa ring nasa ilalim ito ng ebalwasyon ng Mines and Geo-Sciences Bureau regional office V at ilang mga rekomendasyon ng mga barangay ang inaasikaso pa ng dalawang mining firms na ito bago at sa oras diumano na makapagsumite na ito ng mga kakulangan pang mga rekisitos ay agad na rin namang aaprubahan ito. (PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment