Friday, April 15, 2011

Sorsogon PNP nakikiisa sa selebrasyon ng Semana Santa


Ni:  Bennie A. Recebido

Sorsogon City, April 15 (PIA) – Nakikiisa ang Sorsogon Police Provincial Office sa mga katoliko sa paggunita sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesukristo ngayong Semana Santa kung kaya’t mahigpit nilang ipinatutupad ang mga hakbanging makapagpapanitili ng solemnidad nito.

Sa isang press statement, sinabi ni PNP Sorsogon Police Provincial Director PSSupt. Heriberto Olitoquit na inaasahan na nila ang muling pagdagsa ng mga turista at bakasyunistng dadayo sa Sorsogon kaugnay ng summer season, Semana Santa, pagbisita sa mga kamag-anak at kaibigan at sa selebrasyon ng mga school at family reunions.

Kaugnay nito, mahigpit nilang ipinatutupad ang kanilang “Oplan SUMVAC 2011” na nagbibigay seguridad sa mga byahero at motoristang pupunta dito sa Sorsogon.

Makikita din ang mga pulis sa mga tourist destinations at ang police motorist assistance center na nakalagay sa mga terminal ng bus at jeepney, pantalan, maharlika highway at iba pang mga pangunahing kalsada sa mga munisipyo at lungsod ng lalawigan.

ipinaabot din ni PD Olitoquit sa mga turista at bakasyunista na agad na ireport sa kanilang tanggapan o sa pinakamalapit na mga police stations sakaling makaranas ng mga pananamantala o di kaya’y mabiktima ng mga masasamang elemento habang naririto sila sa lalawigan ng Sorsogon. (PIA Sorsogon/SPPO)


No comments: