Tuesday, May 31, 2011

Briefing on the Integration of DRR and CCA in the Physical Framework Planning pangungunahan ng NEDA Bicol


Ni: Bennie A. Recebido

Sorsogon City, May 31 (PIA) – Nakatakdang magpulong ngayon ang mga kasapi ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) para sa isang Briefing ukol sa integration ng Disaster Rirsk Reduction at Climate Change Act kaugnay ng gagawing local development planning and decision making process project ng lalawigan.

Ang nasabing briefing ay pangungunahan ng National Economic Development Authority (NEDA) Bicol kung saan pangangasiwaan ito ni NEDA 5 Economic Development Specialist Cynthia Berses.

Maliban dito ay nakatakda ring magbigay ng briefing ukol sa USAID/United Nation World Food Programme (UNWFP) Disaster Preparedness and Response Project si WFP Senior Consultant Blenn Huelgas.

Ayon kay Sorsogon Governor at PDRRMC chair Raul R. Lee, isa ang lalawigan ng Sorsogon sa mga pilot provinces sa Bicol region na bibigyan ng tulong teknikal ng NEDA sa pagbubuo ng Disaster Risk reduction (DRR) at Climate Change Act (CCA) enhanced provincial development and physical framework plans.

Matatandaang napili ng UNWFP ang lalawigan upang i-pilot ang mga bayan ng Juban at Irosin para sa kanilang Disaster Preparedness and Response Project sa pakikipagtulungan nila sa Department of Interior and Local Governemt (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Office of the Civil Defense (OCD).

Sumailalim na rin ang dalawang bayan sa initial assessment kung saan tiningnan at inalam ang mga balakid o gaps na makakaapekto sa epektibong pagpapatupad ng DRRM strategies sa nasabing mga lugar. (PIA Sorsogon)


No comments: