By: Bennie A. Recebido
Sorsogon City, May 19 (PIA) – Sa pangunguna ng DWOL ‘Padaba’ – FM radio station, nagkaroon ng launching ng ‘Kalikasan para sa Kalusugan’ alas tres ng hapon kahapon, May 18, sa Brgy. Tugos, Sorsogon City.
Ayon kay Grace Boca, coordinator ng DWOL, layunin ng aktibidad na matulungan ang mga mahihirap na mga mag-aaral na mabigyan ng mga kagamitan sa kanilang pag-aaral.
Aniya, lalahukan ito ng mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang mga barangay kung saan magdadala sila ng mga recyclable waste materials tulad ng plastic, bote, dyaryo at iba pa na iipunin at ipagbibili.
Ang halagang malilikom ang siyang ipambibili ng mga kagamitang ipamamahagi sa mga mag-aaral sa iba’t-ibang mga barangay.
Ang nasabing programa ay naisakatuparan sa pagtutiulungan ng Department of Education (DepEd) City Division, LGU-Bulusan, LGU-Sorsogon City, iba pang mga lokal na opisyal ng pamahalaan ng Sorsogon, Energy Development Corporation at mga concerned agencies. (PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment