By: Francisco B. Tumalad, Jr.
Sorsogon City, May 18 (PIA) – Bilang paghahanda sa nalalapit at pagbubukas ng klase sa hunyo. Pangungunahan ni Chief BFP Renato Badong Marcial ang isasagawang mahigpit na inspeksyon sa lahat ng boarding houses na nag-ooperate sa syudad ng Sorsogon, simula sa linggo .
Layunin nang naturang aktibidad ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyanteng papasok at gagamit ng naturang mga pasilidad na ito ay ligtas sa anumang banta ng sunog sa buong taon.
Nagbigay rin ng ilang tips si Marcial sa mga mag-aaral na pumili ng bahay tulugan na mayroong lisensya na magpa-upa ng mga kuwarto at sumusunod sa fire safety standards na kinakailangan at hinahanap ng fire safety inspectors.
Isa na rito ang alarm system, fire extinguisher, fire exits at emergency lights sa mga kagamitan at reglamento ng kanilang opisina.
Binigyan na rin ni Marcial ng deriktiba ang lahat ng mga fire safety inspectors na saliksikin ng maiigi ang lahat ng paupahang silid tulugan sa lugar upang matuldukan na ang panganib dala ng sunog.
Nagbighay na rin ng kautusan si Marcial sa mga opisyal ng barangay na tulungan ang BFP sa pagpapatupad ng Fire Code of the Philippines at ireport sa kanilang hotline ang mga boarding houses owners na walang permiso magpaupa at ayaw sumunod sa fire safety standards ng BFP.(PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment