Ni: Bennie A. Recebido
Sorsogon City, May 26 (PIA) – Naghayag ng pagkainis ang ilang mga pasahero ng Philippine Airlines sa isang ticketing center dito sa lungsod ng Sorsogon matapos na hindi ito makuntento sa sagot ng agent ukol sa kanilang inquiries kaugnay ng sistema sa posibilidad ng kanselasyon ng kanilang mga flights kung saan sarkastikong sinabi nitong tawagan na lamang ang PAL at doon makipag-ugnayan sapagkat wala silang alam dahil ticketing center lamang sila.
Matapos na ideklarang nasa ilalim ng signal number 2 ang halos ay buong Bicol region at lumabas ang ilang balitang may mga kanseladong air travel kahapon ay nagsimulang mangamba ang mga pasaherong nakaiskedyul ang byahe ngayong araw. Buti na lang diumano at hindi nakansela ang byahe sa kabila ng kanilang nerbyos dahilan sa tinatawag na strong turbulence sa alapaap.
Kaugnay nito, nanawagan ang ilang customer ng mga airlines ticketing centers dito na maging responsable din sa kapakanan ng kanilang mga customer sa pamamagitan ng tamang pasilitasyon ng kanilang mga inquiries at hindi yaong limitado lamang ito sa koleksyon ng booking payment.
Umapela din ang mga ito sa mga airlines na bigyan din ng tamang oryentasyon ang kanilang mga ticketing booth partners ukol sa kanilang sistemang makapagbibigay ng seguridad at kaginhawahan ng kanilang mga pasahero lalo na’t isang oras pang byahe ang Sorsogon patungong Legazpi City sa lalawigan ng Albay kung saan naroroon ang pinakamalapit na airport. (PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment