Ni: Bennie A. Recebido
Bakawan Babae specie na itatanim sa Donsol. |
Sa impormasyong ipinadala ng 903rd Philippine Army sa Philippine Information Agency (PIA) Sorsogon, aabot sa isanglibong mga puno ng bakawan ang nakatakdang itanim sa kahabaan ng baybayin sa Sitio Magaragad, Brgy. Sibago sa Donsol.
Kasama ng tatlong grupo sa pagsasakatuparan ng aktibidad ang mga kinatawan at tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), PIA, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO), Provincial Tourism Office, pamahalaang bayan ng Donsol, World Vison, Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP) at Alpha Kappa Rho (AKRHO).
Ayon kay Lt. Col. Lenart R. Lelina, Executive Officer ng 903rd Brigade, bahagi din ang tree planting activity ng kanilang soft engineering measure bilang paghahanda sa anumang panganib na maaaring dalhin ng mga kalamidad tulad ng bagyo, tidal wave, storm surge, at iba pa.
Nais din diumano nilang malinang ang lugar at gawing tourist attraction ang mga naitanim na mga kabakawanan doon. Ito rin diumano ang isa sa kanilang mga ambag sa National Greening program ng pamahalaan.
Bago ang pagtatanim ay magkakaroon muna ng maikling programa kung saan magbibigay ng mensahe ang mga piling hepe ng delegasyon, pledge of commitment at streamer signing, at pagbasbas ng mga pananim.
Isang picnic o boodle fight naman ang nakatakdang gawin matapos ang mangrove planting activity. (PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment