Thursday, November 24, 2011

FIDA Sorsogon pinaiigting pa ang industriya ng abaka, project launching cum training isasagawa


Ni: Bennie A. Recebido

Lungsod ng Sorsogon, November 24 (PIA) – Kaugnay ng kampanya sa pagpapalakas pa ng industriya ng abaka sa Sorsogon, isang project launching cum training program ang nakatakdang gawin ngayong araw ng Fiber Industry and Development Authority (FIDA).

Sinabi ni FIDA Sorsogon manager Daniel Lachica na layunin ng aktibidad na maipakita sa mga lalahok ang kahalagahan ng industrtiya ng abaka bilang mapagkukunan ng kabuhayan at ang kontribusyon nito sa ekonomiya.

Nakatakda ring magsagawa ng demonstrasyon ukol sa mga natatanging istratehiya laban sa pagkontrol sa mga virus, peste at sakit na dumadapo sa mga abaka.

Pormal na sisimulan ang aktibidad ngayong umaga sa pamamagitan ng isang simpleng programa na pangungunahan ng pamahalaang bayan ng Irosin sa patnubay ni Municipal Mayor Eduardo Ong, Jr. at ni FIDA Sorsogon Manager Daniel Lachica.

Ang nasabing seminar ay gagawin sa Ecological Park sa Brgy. Patag, Irosin, Sorsogon. (PIA Sorsogon)



No comments: