Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, May 30 (PIA) –
Limampung imbestigador mula sa iba’t-ibang mga istasyon ng pulis na sakop ng
Sorsogon Police Provincial Office (SPPO) at anim na mga kasapi ng Philippine
Army ang sumailalim sa Criminal Investigation Course (CIC) Class165-2012.
Ayon kay PCI Ruben D. Padua, Jr., hepe ng
Police Community Relations at Public Relations Officer ng SPPO, ang
pagsasailalim sa mga imbestigador ay konseptong mula sa Police Provincial
Headquarters sa pangunguna ni Provincial Director PSSupt John CA Jambora kung
saan naging panauhing pandangal at tagapagsalita si Provincial Prosecutor
Regina Coeli F. Gabito.
Ang Criminal Investigation Course ay
sinimulan noong Abril 24, 2012 at opisyal na nagtapos ito noong Lunes, Mayo 28,
2012.
Ang 25 araw na CIC ay may layuning mapalago
pa ang kaalaman at kakayahan ng mga imbestigador sa lalawigan lalo na yaong
humahawak ng mga kaso at nakatalaga sa Women and Children Protection Desk
(WCPD).
Pinasalamatan naman ni Provincial Director
Jambora si Gobernador Raul R. Lee ng Sorsoogn dahilan sa buong suportang
ibinigay nito sa SORPPO upang matagumpay na maisakatuparan ang aktibidad dito
sa lalawigan ng Sorsogon.
“Walk for Health”
Samantala, pinuri din ni Jambora ang mga
kapulisang nakiisa sa ginawang Walk For Health na inorganisa ng Sorsogon Ladies
of Charity Home For the Aged sa San Juan Roro Sorsogon City noong linggo, May
27.
Ang aktibidad ay isang paraan ng
pagsusulong ng Healthy Lifestyle at paglikom din ng pondo upang matulungang
masustinihan ang mga pang-araw-araw na pangangailangan ng mga matatandang
inaalagaan at ng mga tagapangalaga sa mga ito sa loob ng nasabing institusyon.
Kasama rin sa nakilahok sa Walk for Health
ay ang mga kapulisan ng Sorsogon City Police Station, Sorsogon Provincial
Public Safety Company at iba’t-ibang Non-Government Organization, pampublikong
opisina, mga kasapi ng Bureau of Fire Protection BFP at Kabalikat civicom ng
Sorsogon. (SPPO/BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment