Wednesday, July 4, 2012

Kalihim Deles ng OPAPP pangungunahan ang turn-over ceremony ng mga proyekto ng PAMANA sa Sorsogon


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 4 (PIA) – Panauhing pandangal ngayong araw sa gagawing Turn-over Ceremony ng mga proyekto ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) sa lalawigan ng Sorsogon si Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Teresita Quintos Deles.

Ang nasabing mga proyekto ng PAMANA ay ipinatupad noong nakaraang taon sa halos ay pitong mga bayan dito sa lalawigan ng Sorsogon.

Nakatakda ring magbigay ng mensahe si Kalihim Deles kaugnay ng tagumpay ng mga ipinatupad na proyekto ng PAMANA sa Sorsogon at iba pang mga usaping ay kaugnayan sa pagpapatupad ng programa ng PAMANA. Kasama din ng kalihim si OPAPP Asst. Sec. Romulo D. Halabaso.

Sa programang ipinadala sa PIA Sorsogon ng tanggapan ni Gov. Raul R. Lee, gobernador ng Sorsogon, isang simple at maikling programa ang gaganapin sa Sorsogon Provincial Gymnasium kung saan naroroon ang mga akalde ng iba’t-ibang munisipyo sa Sorsogon.

Si Gov. Lee ang siyang magbibigay ng welcome remarks habang nakatakda ring magbigay ng mensahe sina Regional Director Blandino Maceda ng Department of Interior and Local Government Bicol, Commanding Officer Col. Felix Castro, Jr. ng 903rd Infantry Brigade ng Philippine Army at Kinatawan ng unang distrito ng Sorsogon Congressman Salvador H. Escudero III.

Naatasan namang ipakilala ni Assistant Provincial Agriculturist Maria Teresa V. Destura si Kalihim Deles.

Mula naman sa mga munisipyong benepisyaryo ng proyekto, ilalahad ng kani-kanilang mga alkalde ang natapos nang proyekto ng PAMANA sa kailang lugar. Matapos ang paglalahad ay gagawin na ang turn-over ceremony at pagtanggap ng mga proyekto ng mga Municipal – LGU at mga benepisyaryo nito.

Si Congressman Deogracias B. Ramos, kinatawan ng ikalawang distrito ng Sorsogon ang magbibigay ng pangwakas na pananalita.

Magkakaroon din ng project site turn-over sa bayan ng Juban, Sorsogon para sa pagpapasemento ng Tublijon-Sipaya Road. (BARecebido, PIA Sorsogon)




No comments: