Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 6 (PIA) – Inspirasyon
ngayon ng mga kasapi ng Pprovincialn Solid Waste Management Board (PSWMB) ang
espesyal na pagkilala na iginawad sa kanila ng Department of Environment and Natural
Resources (DENR) sa ginawang Saringgaya Awards ngayong taon.
Binigyan ito ng espesyal na pagkilala
dahilan sa natatangi at maayos na implementasyon nito ng Republic Act 9003 o
mas kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000, at sa ginagawa
nitong mga hakbang upang epektibong matulungan ang mga lokal na pamahalaan sa
lalawigan (LGU) sa pagpapatupad ng RA 9003 at mga programang pangkapaligiran.
Ilan sa mga nagawa ng PSWMB ay ang
pagtulong sa mga LGU na makabuo ng kanilang 10-yr Solid Waste Management Plan,
pagpapakilala ng mga teknolohiyang makikita sa lalawigan na makakatulong sa
maayos na pamamahala ng mga basura, pagsasagawa ng mga oryentasyon ukol sa Health
Care Waste Management at pagsasanay sa mga pollution control officer ng mga
ospital sa buong lalawigan, pagsuporta sa Southeast Asia Urban Environmental
Management Application (SEA-UEMA) at sa pagpapasa ng mga Executive Order,
ordinansa at resoulsyong may kaugnayan sa SWM.
Malaki rin ang naiambag ng PSWMB upang
makamit ng limang mga LGU mula sa pitong kalahok sa buong rehiyon ng Bicol ang
mga parangal pangkalikasan o environmental achievement award.
Samantala, ngayong araw ay isinasagawa ng
PSWMB ang 2nd Quarterly Meeting nito sa Mariculture Park sa Matnog,
Sorsogon kung saan tampok sa kanilang adyenda ang paglalahad ng Best Practices
on Solid Waste Management ng bayan ng Matnog, paglalahad ng Health Care Waste Management
ng mga Pollution Control Officer ng District at Municipal Hospital sa lalawigan,
at paglalahad ng Action Plan para sa taong 2012 at implementasyon ng Solid Waste
Management Program ng Department of Education (DepEd) Sorsogon Provincial
Schools Division.
Ang DepEd Sorsogon Provincial Schools
Division ay kinilala din ng DENR bilang Saringgaya 2012 Awardee sa kategoryang
Other Government Agency, dahilan sa epektibong pagpapatupad nito ng mga
programang pangkapaligiran. (BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment