Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, October 26 (PIA) –
Matagumpay na naisagawa ang pirmahan ng Memorandum of Agreement (MOA) para sa
implementasyon ng Agrarian Reform Communities Connectivity and Economic Support
Services (ARCCESS) sa pangunguna ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa pamumuno
ni Provincial Agrarian Reform Officer Roseller R. Olayres at ng apat pang
organisasyon ng mga magsasaka.
Ayon kay DAR Public Information Officer
Alura Arbolente, ang MOA ay pinirmahan ng mga chairperson at vice-chairperson ng
apat na mga organisasyon ng magsasaka para sa implementasyon ng ARCCESS sa mga
lugar na kanilang nasasakupan.
Ang apat na organisasyon ng mga magsasaka
ay kinabibilangan ng Bangate Multipurpose Cooperative (BAMUCO) sa Barcelona,
Sorsogon; Maharlika Development Cooperative (MADECO) sa Bacon District; Del
Rosario Agrarian Reform Beneficiaries Association (DARBA) sa Pilar, Sorsogon; at
ng Mt. Bulusan Upland Farmers’ Association (MBUFA) sa Bulusan, Sorsogon.
Ayon pa kay Arbolente, hindi maglalaon ay
magkakaroon ang DARBA sa Pilar, Sorsogon ng proyektong Vegetable Production
Processing and Marketing habang ang MBUFA naman sa Bulusan, Sorsogon ay
magkakaroon din ng proyektong Geotextile Production Processing and Marketing.
Samantala, magiging papel naman ng DAR para
sa implementasyon nito ang pagbibigay ng mga professional service provider at technical
assistance.
Ang pondong gagamitin para sa proyekto ay
manggagaling sa regular na ponod ng DAR. (BARecebido, PIA Sorsogon/DAR)
No comments:
Post a Comment