Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD
NG SORSOGON, Oktubre 26 (PIA) – Nagpapatuloy pa rin ang adbokasiya ng National
Kidney and Transplant Institute (NKTI) at Philippine Information Agency (PIA)
kaugnay ng tamang pangangalaga sa ating mga bato.
Sa
pamamagitan ng pagpapalaganap ng tamang impormasyon sa tulong na rin ng mga
mamamahayag ay maiiwasan ang anumang pagkasira ng bato o kidney sanhi ng maling
sistema ng pamumuhay o unhealthy lifestyle.
Panawagan
ng NKTI at PIA sa publiko, bata man o matanda na maging maingat sa pagpili ng
mga kinakain at iwasan yaong mga maaalat, matataba, mamantika at sobrang
matatamis na pagkain, iwasna ang paninigarilyo at magkaroon ng tamang ehersisyo
araw-araw.
Ipinapayo
din ng dalawang ahensya na magkaroon ng taunang pagpapasuri ng ihi o sumailalim
sa tinatawag na urinalysis upang mabigyan ng kaukulang medikasyon o lunas
sakaling may madiskubreng diperensya sa ihi nang sa gayon ay hindi na ito
lumala pa at tuluyang mauwi sa sakit sa bato.
Kadalasang
nauuwi sa dialysis ang kaso ng mga sakit sa bato na hindi naagapan na nagdudu
lot nga malaking suliranin sa mga pasyente at kamag-anak nito dahilan sa
malaking gastusin at abala sa pagpapaospital.
Ang
dialysis ay isang paraan ng paglilinis at pagpapalit ng dugo sa isang
pasyenteng tuluyan nang nasira ang bato gamit ang isang dialysis machine. Ang
dialysis machine ang nagsisilbing kidney ng pasyenteng nasira na ng tuluyan ang
dalawang bato at hindi na magampanan ang kanyang trabaho sa katawan ng tao
dahilan upang manghina at tuluyang ikamatay ng pasyente.
Maaring
gumastos ng tatlong libo o mahigit ang isang pasyenteng isinasailalim sa
dialysis bawat isang sesyon. Isa o dalawang sesyon g dialysis ang maaaring
kaharapin ng isang pasyente linggo-linggo depende sa kondisyon nito.
(BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment