Green Mussels from Sorsogon Bay |
SORSOGON CITY, April 24 (PIA) – For more than
two years now, shellfishes gathered from Sorsogon Bay and Juag Lagoon remain free
of Paralytic Shellfish Poisoning (PSP) after shellfish samples here recently taken
by the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) turned up negative for
red tide contamination.
Shellfish Bulletin No. 09 dated April 17,
2013, BFAR said shellfish harvested from Sorsogon Bay remains safe for human
consumption. The same announcement likewise declared Juag Lagoon free from red
tide-causing organism.
The bureau however has maintained its red
tide alert after other samples tested positive for paralytic shellfish poison
beyond safe levels at the Dumanquillas Bay in Zamboanga del Sur; Murceilagos
Bay in Zamboanga del Norte and Misamis Occidental; and Balite Bay in Mati,
Davao Oriental.
The bulletin signed by BFAR Director Atty.
Asis G. Perez warned that all types of shellfish gathered from these areas are
not safe for human consumption. It stated, however, that fish, squids, shrimps,
and crabs harvested from these areas are safe to eat provided that they are
fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines
are removed before cooking.
Clams are also abundant in Sorsogon |
Sorsogon Bay is surrounded by the coastal
villages of Sorsogon City and the towns of Juban, Casiguran and Castilla. Seashells
like halaan (clams), talaba
(oysters), bamboo shells, ritob, kagot, takal, tuway (all
named in Bicol term) and many more species, are abundant in the bay.
Juag Lagoon in Matnog, Sorsogon is a
favorite habitat of lobsters, clams, lapu-lapu, and clownfish, among others.
Fishery officials here, meanwhile, assured the
public they would remain vigilant and conduct a close monitoring of the areas
to ensure the safety of the public against shellfish poisoning. (BARecebido,
PIA Sorsogon)
---------------------------------------------------------
---------------------------------------------------------
TAGALOG NEWS:
Sorsogon
Bay nananatiling ligtas sa lason ng red tide
Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 24 (PIA) –
Patuloy pa ring mapapakinabangan ng mga Sorsoganon at maging ng mga dadayo dito
ang biyaya ng mga lamang dagat partikular ang seashell na mula sa look ng
Sorsogon.
Ito ay matapos na ipalabas ng Bureau of
Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pinakahuling resulta ng kanilang
laboratory test na nagsasabing negatibo pa rin sa paralytic shellfish poisoning
o sa kontaminasyon ng red tide ang Sorsogon Bay.
Maliban sa Sorsogon Bay, negatibo din sa nakalalasong
red tide ang mga lamang-dagat mula sa Juag Lagoon sa bayan ng Matnog, Sorsogon.
Sa Shellfish Bulletin ng BFAR na may
petsang Abril 17, 2013 tanging ang mga shellfish na nakolekta mula sa Dumanquillas
Bay sa Zamboanga del Sur; Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis
Occidental; at sa Balite Bay sa Mati, Davao Oriental and siyang positibo sa
nakalalasong red tide.
At upang patuloy na mapangalagaan pa rin
ang seguridad at kapakanan ng publikong mahihilig sa mga lamang-dagat, patuloy
pa ring pinag-iingat ng BFAR ang mga ito sa pamamagitan ng paglilinis ng mabuti
ng alinmang kinakaing lamang-dagat bago ito lutuin at kainin. Dapat din umanong
tiyaking hindi ito bilasa at iiwas lalo na ang mga shellfish at alimango sa
pagkakabilad sa araw.
Samantala, tiniyak din ng BFAR at maging ng
Office of the Provincial Agriculture – Fisheries Division ng Sorsogon na
nananatiling mahigpit ang ginagawang pagsubaybay ng kanilang mga siyentista sa
Sorsogon Bay at Juag Lagoon kahit pa negatibo ito sa red tide nang sa gayon ay
agaran silang makapagbigay ng abiso sa publiko sakaling may makita silang mga
bagong kaganapan.
Mahigit dalawang taon na ring nananatiling
ligtas sa lason ng red tide ang Sorsogon Bay. (BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment