Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Abril 23 (PIA) –
Dahilan sa pinaigting na kampanya ng Sorsogon ukol sa rabis, walang naitatalang
nagpositibo sa rabis ang mga hayop na nakakagat ng tao particular ang mga pusa
at aso.
Ayon kay Health Surveillance Team Head
Registered Nurse Socorro Dimaano ng Sorsogon City Health Office 265 na ang
naitala nilang insidente ng pangangagat ng pusa at aso dito sa lungsod ng
Sorsogon, subalit ni isa ay wala umanong nagpositibo sa rabis.
Aniya, hindi na nila ikagugulat kung tumaas
pa ang bilang nito lalo pa’t panahon ngayon ng summer at bakasyon kung saan
kadalasang makikita sa labas ng bahay ang mga tao dahilan sa init ng panahon
lalong-lalo na ang mga batang naglalaro at naghahabulan na siyang palagiang
nabibiktima ng mga kagat ng hayop.
Subalit hindi umano nila itinitigila ang
kanilang panawagan sa publiko na mag-ingat at sa mga may-ari ng hayop na maging
responsable.
Sakali umanong makagat ng hayop, dapat na
mahugasan umano ito ng tubig sa loob ng sampung minuto, sabunin ng maigi at
hugasang mabuti at agad na sumangguni sa doktor upang maiwasan ang anumang
epektong maaaring dalhin ng kagat ng hayop. (BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment