Mga kalahok sa BIMJA Youth Camp 2013 |
Ni: Bennie A.
Recebido
Lungsod ng Sorsogon, Mayo 7 (PIA) – Higit
pang naging malapit sa isa’t-isa at naging buo ang relasyon ng mga kabataan
mula sa tatlong bayan ng Sorsogon matapos ang isinagawang Summer Youth Camp at
1st General Alumni ng mga ito sa pakikipagkawing sa Integrated Rural
Development Foundation (IRDF) mula Mayo 3, 2013 hanggang kahapon sa Casini
Elementary School sa Irosin, Sorsogon.
Tema ng aktibidad ang “Nagkakaisang
Kabataan sa Sorsogon Tungo sa Paghubog ng Kasanayan sa Isports, Talento,
Pananaw, at Desisyon”.
Nilahukan ito ng mga kabataang edad 13
hanggang 30 mula sa mga bayan ng Bulan, Matnog at Irosin. Karamihan sa mga ito
ay nakatapos lamang ng elementarya, nagsimulang magtrabaho sa murang edad,
habang ang iilan ay may bisyo ng paninigarilyo.
Ayon kay Aby L. Salceda, over-all
chairperson ng Bulan, Irosin, Matnog and Juban Association (BIMJA), layunin ng
apat na araw na aktibidad na magabayan ang mga kabataang ito ng tama nang sa
gayon ay maging higit na produktibo at hindi lamang nakatuon ang mga aktibidad
sa palaro o pagdayo sa iba-ibang lugar kung saan mayroong sayawan.
Ginawa namang balanse ang aktibidad kung
saan nagkaroon ng mga sport activities, mga patimpalak sa pagandahan at
lecture-workshop ukol sa mahalagang papel ng kabataan sa pamilya, sa kalikasan,
sa edukasyon at sa hanapbuhay. Sa pamamagitan ng palabas na tinawag na “living
portrait” ng mga kabataan, lumabas ang mga isyung may kaugnayan sa suliranin sa
magulang, pagrerebelde, pagkasira ng pag-aaral, pagbibisyo at maagang
pagbubuntis sa mga reyalidad na kinakaharap nila.
Sa bahagi naman ng komunidad, lumabas ang
corruption, political will, geothermal exploration, illegal na pagpuputol ng
kahoy, suliranin sa kalusugan at mga pag-aalsa ng komunidad sa mga pangunahing
isyung nakikita ng mga kabataan.
Ayon sa kanila, inspirasyon sa kanila ang
nakuhang mga input sa pagharap sa malaking hamon ng pagiging kabataan.
Nagpasalamat din ang mga ito sa mga tumulong upang maging matagumpay ang
kanilang aktibidad at aminado umano silang malaki ang naitulong nito sa kanila
upang higit na maunawaan ang mahalagang papel ng kabataan sa pamilya, komunidad
at kalikasan.
Suportado ang naging aktibidad ng BIMJA at
ng IRDF ng Philippine Information Agency (PIA), Step Yes Consultancy at iba
pang mga volunteer group. (BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment